Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (32 votes, average: 4.59 stars)
Loading...

Salamat Sayo Breezy Girlz – Breezy Boyz Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Salamat Sayo Breezy Girlz – Breezy Boyz

1st Verse: Aprhyl

Hindi ko alam kung pa’pa’no ko mababayaran
ang lahat ng iyong pagmamahal na hindi masukat,
sinamahan mo ako sa ginhawa man o sa hirap.
Hulog ka nang langit para sakin,
lalalalabis-labis ang mga pinakita mo at pinadama.
Nais ko lang na malaman mo
lubos-lubos akong nagpapasalamat,
ikaw ang aking buhay…

Chorus: Aprhyl & Vlync

Salamat Sayo at nakita ko
at bawat mali at pait saking kahapon.
Muling binuksan ang tanging daan
sa puso mo na parang dati lang ay sarado.
Salamat Sayo ikaw ang dahilan kung bakit nagbago.
Salamat Sayo, salamat at nandito ka saking tabi…

2nd Verse: Venice

Salamat sa iyo, binago ang mundo
simula nang dumating ka inayos ang magulong
buhay ko na idinulot ng isang nakaraan,
nagmistulang alipin lang sa aking kahibangan.
Dumating ka upang itama ang lahat,
alam ko namang hindi mo iisipin,
nariyan ka upang takpan.
Kailangan kita, hindi mo lang alam
kung ga’no mo napapasaya,
lalong napapalapit sayo na makadikit sayo,
buong mundo’y nag-iiba.
Hindi ko alam kung pa’no ka pasasalamatan,
inalis mo ang kaba sa puso na dating nalamatan.
Asahan mong hindi lang ipapangako
at gagawin ko rin, susuklian ang pagmamahal mo…

Chorus: Aprhyl & Vlync

Salamat Sayo at nakita ko
at bawat mali at pait saking kahapon.
Muling binuksan ang tanging daan
sa puso mo na parang dati lang ay sarado.
Salamat Sayo ikaw ang dahilan kung bakit nagbago.
Salamat Sayo, salamat at nandito ka saking tabi…

3rd Verse: Slick One

Iniisip ko lagi, pa’no kaya kapag wala ka,
lubos ang pasalamat ko
sa tulad mong nasa tabi ng puso ko.
Dati ay nag-iisa, ngayo’y napawi ang kaba,
nagpapasalamat na kahit pa’pa’no
kahit na alanganin kung para sayo naman
ay walang alinlangan ang pagkatao’y
nakukumpleto ang araw kapag nakakasama ka,
sa tuwing nahahagkan kita, sinta.
Sa pagmamahal mo sakin hindi alam kung paano gaganti,
ang tanging salitang mapapangako’y hindi na ko lalandi
o lilingon sa iba, laging tuon lang sayo
bilang patunay ng aking pasasalamat sayo…

Chorus: Aprhyl & Vlync

Salamat Sayo at nakita ko
at bawat mali at pait saking kahapon.
Muling binuksan ang tanging daan
sa puso mo na parang dati lang ay sarado.
Salamat Sayo ikaw ang dahilan kung bakit nagbago.
Salamat Sayo, salamat at nandito ka saking tabi…

4th Verse: Vlync

Hindi ko inaakala na meron pang
natitirang tao na magmamahal sakin.
Lubos-lubos na nagpapasalamat sa iyo,
pag-ibig na buong-buo.
Walang katumbas, kusang nagbukas
ang puso mo marunong lang sumunod
sa tamang nararamdaman.
Pinapasalamatan kita,
dahil hindi ko ‘to nadama sa iba,
pangalawa lang nasa taas,
dahil hindi nya pinabayaang kumupas
ang pagmamahalan at sa wakas
nandito ka ngayon sa aking tabi…

Chorus: Aprhyl & Vlync

Salamat Sayo at nakita ko
at bawat mali at pait saking kahapon.
Muling binuksan ang tanging daan
sa puso mo na parang dati lang ay sarado.
Salamat Sayo ikaw ang dahilan kung bakit nagbago.
Salamat Sayo, salamat at nandito ka saking tabi.

Videokeman Search