Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 3.00 stars)
Loading...

Ipasok Mo Na Pacing at Tacing Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Ipasok Mo Na Pacing at Tacing

Ipasok mo na, Oh, hirang!
Ang iyong saging, aking mahal..

Buhat ng malasap ang saging mong ibinigay,
Tuwina’y naalala at di ko na malimutan,
Ang lasa nito’y hinahanap ko araw-araw,
Halos oras-oras ay lagi kong hinihintay..

Kay laki naman, oh, hirang!
Nitong saging mong ibinigay..
Ang haba nito, kay inam..
Halos ako ay mabulunan..

Wika mo pa noon lagi akong rarasyunan.
Di ka magsasawa ako’y lagi mong bibigyan.
Bakit ikaw giliw ay lagi ng nahihirapan..
Di ko ipapalit ang saging mo kaninoman.

Ipasok mo na, Oh, hirang!
Ang iyong saging ng marahan..
Gustung-gusto rin ng nanay..
Di magagalit pati tatay..

Bakit pati ang nanay ang saging mo nagustuhan,
Laging balat na lamang ang sa akin naiiwan,
Tuwina laging ako ngayon ang siyang nauubusan..
Nasan ang iyong pangako, ako sayo’y nagdaramdam..

Ipasok mo na, Oh, hirang!
Saging na saba na ‘yong dala..
Ipasok mo na, ipasok mo na..
Ipasok mo na…
Saging na saba..
Na ‘yong dala.

Submitted by: Sandy