Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (No Ratings Yet)
Loading...

First Date – Bosx1ne, Huddasss & Emcee Rhenn Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of First Date – Bosx1ne, Huddasss & Emcee Rhenn

VERSE 1:
Napatulala ako di makapaniwala sa ganda mo
nag iba ang hinala baka di ako ang iyong katagpo
ngunit bakit ba sa akin lumapit ka
ang daming mga matang nakatingin
di ako makakilos nanginginig ang tuhod ko

sayang naman ang bihis kung di sayo makakasingit
dahil di nga ako makalapit nanginginig ang tuhod ko

CHORUS:
nagaabang nalang naghihintay na makasama
naghihintay na makilala mo dahil ikaw ang first date ko (2x)

VERSE 2:
Kinakabahan iniisip kung aatras nalang
sa haba ng panahon na naghintay at nagabang
makasama’t makilala sayo ay maibida
na di mo kailangan pang maghanap ng kapareha
di man ako nakapagplantsa ng pantalon
ang regalo kong dala’y hindi mahal di de-kahon
panay gutom ang tinitiis sa’king pagiipon
magkaron man lang ng maiaabot sayo ngayon
marami ng niligawan may ilan ng nagtagal
lahat ng di ko nakita sayo ko natagpuan
ano man ang hantongan ng pagkikita’y sa dasal
ko nalang idinaan at malamang sa mawalan
ng lakas ng loob malakas ang kabog
dibdib naninikip at katawa’y nangangatog
sa ganda ng nakikita ayaw ko ng lumingon
di pa rin naniniwalang kaharap kita ngayon

CHORUS:
nagaabang nalang naghihintay na makasama
naghihintay na makilala mo dahil ikaw ang first date ko (2x)

VERSE 3:
Polo na asul at plantsado na buhok
itim pa ang sapatos pantalon ay paturok
yan ang pormang sinagad ko na
ang rosas na dala’y pula
dibdib ko ay kumakaba
teka nasan na nga kaya

Nang ibaling ko ang leeg sa likod
nanginig bigla ang mga tuhod
para bang langit sa lupa lumuhod
estatwa akong tila nataob

Pano ang gagawin ko medyo napapraning na
bigla akong napahinto nung sakin mapatingin ka
para bang panaginip ‘to at aking naabot ang langit
habang sinisilip ka gumaganda lahat ng pangit
sa tamis ng titig mo ay di na magawang makawala
takot pumikit kasi baka biglang ikaw ay mawala
sa paningin ko di ko namalayan na inaabot ko na
ang ‘yong kamay pakiramdam ko ako’y namamalikmata
at mula sa tagpong ito ako’y sumusumpa sayo
sa susunod tayong mag-date ako na ang asawa mo

CHORUS:
nagaabang nalang naghihintay na makasama
naghihintay na makilala mo dahil ikaw ang first date ko (2x)