Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (17 votes, average: 4.35 stars)
Loading...

Dahil Ikaw – Bosx1ne & Emcee Rhenn Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Dahil Ikaw – Bosx1ne & Emcee Rhenn

di malaman kung ano ba tong
nadarama ko ba’t ako’y sayong sayo
di binalak humanap at ika’y ipagpapalit
pinangarap makayakap at wala ng hihigit
dahil sayo lang anuman ang walang hanggang pagmamahal
kaya kung minsan may nagkamali, sanay patawarin mo
di ko yata makakayanan malayo ka sa piling ko

Refrain:
dahil ikaw ang nagpabago sa aking mundo
at nagbigay sa akin ng lakas ng loob
para kayanin, harapin ang pagsubok na darating
kalimutan ang mga problema at harapin ang mundo na masaya

dumaan na ang taon, ang aking pagmamahal ay mas lalo pang nag-iibayo
hanggang sa dumating ang araw na napagpasyahang tayo’y magkasama na
di makapaniwala sa sagot na oo, napasaya mo ko

mahal na nga kita, mahal mo rin ako
wag kang mag-alala iingatan ko ang puso mo
di hahayaan masaktan, ako ang iyong superman
tagapaglitas sayo, labanan natin ang mundo

Refrain:
dahil ikaw ang nagpabago sa aking mundo
at nagbigay sa akin ng lakas ng loob
para kayanin, harapin ang pagsubok na darating
kalimutan ang mga problema at harapin ang mundo na masaya

di mapkapaniwala, di mapkapaniwala
dahil ikaw ang mundo
dahil ikaw ang buhay ko

rap:
Ikaw ang naging rason bakit ba bigla nagbago
sagot sa dating tanong, na sa isip itinago
na nabigyan ng kalinawan magmula ng magtagpo
ating magkaibang landas ay bigla nagka bungo

di ko man lubos maisip, bakit sakin binigay
ng Itaas ang syang anghel na saking buhay naglagay
ng liwanag sa landas na dating napakadilim
tinuruan mo ang puso kong hindi maging sakim
sa mga bagay na nuon nilaan ko lang saking sarili
na ngayon handang isuko sa kamay mo manatili
ang pangakong bibitawan ko hindi mawawaglit
hanggang sa ating pagtanda ay babauinin ang saglit
na makilala ka, na tinuring ko na kayamanan
alaalang dadalhin ko hanggang sa aking kamatayan
pagkat sayo nadama ang tunay na kaligayahan
na di kayang tumbasan at habang buhay iingatan ko

dahil ikaw ang mundo
dahil ikaw ang buhay ko

Videokeman Search