Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 5.00 stars)
Loading...

Muling Ibigin – BJ Prowel, Ynnah, JDA Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00

Lyrics of Muling Ibigin – BJ Prowel, Ynnah, JDA

BJP:
Nais kong malaman mo na kahit na ano pa ang
mangyari ay ikaw lang ang babaeng nagmay-ari ng
puso ko na lagi lang masaya kapag kasama ka
pero bakit ayaw mo na?
Hindi ka ba nanghihinayang sa mga pinagsamahan nating
kay tagal, laging dasal aking mahal sa maykapal,
ikaw ang makasama ko sa habangbuhay
at ikaw ang kulay saking mundo, yan ang tunay.
Pangako na hindi ka na muli pang sasaktan
at sa bawat pagpatak ng luha mo ay pupunasan.
Hindi ko kaya na makita kang nagkakaganyan,
alam ko na pwede pa nating pag-usapan…pagkat…

CHORUS:
Kailangan pa ba na ikaw ay mawala
Sabihin mo naman kung meron pang magagawa
Kung di sapat ang salita ay aking gagawin
Kahit ano basta’t masabing ika’y sakin parin
Patawarin mo kung nalayo sayo
Nasaktan man damdamin ko’y hindi nagbago
Ang bawat pagkakamali handang limutin
Pagkat hangad paring ako’y muling ibigin

YNNAH:
Lumalapit ka, kumakapit pa
umaawit ng pagsamong maaari bang
pakinggan ka’t pagbigyan at balikan ang
mga binuong pangarap na hindi ngayon mahanap
pagkat sa isip ko’y malabo na
pag-ibig mo’y nagbago ba
kaya’t sa isang iglap pati ang kislap sa mata’y naglaho na.
Tila ba di ka na kilala,
tuwing kasama ka sa wari ko katabi ko ay iba na.
Tuluyan bang bibitawan, di na ba pag-iingatan
Ang tiwalang nalamatan di na ba pagsisikapan
na muling makamtan at sa huli’y matakpan
ng ngiti ang hikbi ng pusong nasaktan

CHORUS:
Kailangan pa ba na ikaw ay mawala
Sabihin mo naman kung meron pang magagawa
Kung di sapat ang salita ay aking gagawin
Kahit ano basta’t masabing ika’y sakin parin
Patawarin mo kung nalayo sayo
Nasaktan man damdamin ko’y hindi nagbago
Ang bawat pagkakamali handang limutin
Pagkat hangad paring ako’y muling ibigin

JDA MALIKHAIN:
Di ba noon sinabi mo sa akin na
tayong dalawa lamang hanggang sa huli
kaya’t tanong ko sa sarili ko ano ba
ang nagawa kong pagkakamali
para ganon kadali na sabihin mo
ang mga salita na dapat ay hindi mo binanggit sa harapan ko,
ano bang nangyaring kasalanan ko
upang gawin mo sakin ang mga bagay na ganito?
Ganito ba talaga ang kapalaran nating dalawa…
Kaya pinagtagpo upang sa huli tayo’y ipaglayo
at tuluyang wasakin ang puso kong bigo.
Nagbibiro lang ba ang tadhana natin, ha?
Wag mo sanang kalimutan ala-ala natin na
walang kasing saya, wag kang magpadala
sa mga sabi-sabi, sabi-sabi ng iba.
Alam mo namang mahal kita
dahil alam mo naman na ikaw lang talaga
Tumingin ka sakin ng diretso sa mga mata,
ngayon sabihin mo sakin may pagkukulang pa bang hindi ko nagawa?