Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 1.00 stars)
Loading...

Paraisong Parisukat – Basil Valdez Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Paraisong Parisukat – Basil Valdez

Paraisong Parisukat – Basil Valdez

Narito ka’t tumatangis
Sa ‘yong munting paraiso
Pagmasdan mo ang paligid nito
Inaamag
Inaagiw

Heto ako’t sumasamo
Dingin ang aking pagsuyo
‘Sang libo’t isang paraiso
Inaalay ko sa’yo

Tayo na giliw sa malawak na kalikasan
At salubungin ang bukang-liwayway
Madarama mo ang pagsabog ng liwanag
Mahahawakan mong bahaghari at ang sinag
Sa tuwina’y mamahalin ka

Giliw, dalagin ko’y iwan mo na
Ang ‘yong paraisong parisukat
‘Sanlibo’t isang paraiso
Inaalay ko sa iyo, giliw
Dalagin ko’y iwan mo na
Ang iyong paraisong parisukat
‘Sanglibo’t isang paraiso
Inaalay ko sa iyo
Habang nabubuhay ako
Paraisong ito’y handog ko sa iyo lamang, giliw

Videokeman Search