Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (17 votes, average: 3.71 stars)
Loading...

Nais Ko – Basil Valdez Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Nais Ko – Basil Valdez

Nais Ko – Basil Valdez

Nais kong maihip ng hanging walang patutung’han
Parang ibong wala ring hangarin kundi ang lumipad nang lumipad
Nais kong lumipad

Nais ko ring maagos ng alon saan man mapadpad
Kahit na isdang mumuntiin, hangari’y lumangoy nang lumangoy
Nais kong lumangoy

CHORUS:
Nais kong malibot ang mundo sa kanyang kasuluk-sulukan
Nais kong makita ang paligid kong puno ng kagandahan
Nais kong makadama ng kakaibang damdamin kahit minsan man lang
Habang ako ay may buhay, wala nang hangarin pang tunay
Nais ko…nais ko…

REFRAIN:
Nais kong maulit ang buhay kung may pagkakataon
Upang mamalas ang mga bagay-bagay na ‘di ko natanto sa aking buhay
Nais kong maulit pa, ulit-ulitin pa ang buhay ko.

Repeat STANZA 1, CHORUS and REFRAIN
(Nais ko) Nais kong mabuhay muli
(Nais ko) Nais kong maulit muli
Ulitin muli, ulitin muli, paulit-ulit, ulit, muli
(Nais Kong ibalik paulit-ulit, ulit muli)
Ito ang nais ko… Nais ko… Ito ang nais ko