Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (9 votes, average: 3.89 stars)
Loading...

Ambon – Barbie Almalbis Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Ambon – Barbie Almalbis

Tumitigil ang pag-ikot ng aking munting mundo
kapag nakikita ang iyong ngiting kasing liwanag ng
araw-araw ninanais marinig ang tawang siyang
tumunaw sa pusong giniginaw sa lamig ng lumipas
Ngunit kahit magkaharap
Dito ay bumabagyo
Ngunit diyan, umaambon lamang.

Chorus:
Ako’y nakatayo sa lilim ng iyong yakap at halik
Ngunit nalulunod pa rin
At nangangarap na maanggihan man lang
ng pag-ibig mong binihag ng mga ulap
Paano ba patitilain ang bagyo,
kung ang gusto mo lang ay ambon?
Paano na ito?

Di mapaliwanag ang galak na aking nadadarama
Kapag abot-kamay na ang bahagharing inaasam
Ngunit kahit magkaharap
Dito ay bumabagyo
Ngunit diyan, umaambon lamang.

Chorus:
Ako’y nakatayo sa lilim ng iyong yakap at halik
Ngunit nalulunod pa rin
At nangangarap na maanggihan man lang
ng pag-ibig mong binihag ng mga ulap
Paano ba patitilain ang bagyo,
kung ang gusto mo lang ay ambon?
Paano na ito?

Paano ba patitigilin ang pagbuhos ng bagyo?
Paano ba patitigilin ang pagkahulog ko sa’yo?

Chorus:
Ako’y nakatayo sa lilim ng iyong yakap at halik
Ngunit nalulunod pa rin
At nangangarap na maanggihan man lang
ng pag-ibig mong binihag ng mga ulap
Paano ba patitilain ang bagyo,
kung ang gusto mo lang ay ambon?
Paano na ito?