Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (3 votes, average: 4.00 stars)
Loading...

Istambay – Banyuhay (Heber Bartolome) Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Istambay – Banyuhay (Heber Bartolome)

Nanay ko’y laging wala, naroon sa kapit-bahay
Sa madyunga’y natatalo, kaya’t mainit ang ulo
Tatay ko’y laging lasing, umaga na kung dumating
Hindi matatanong, baka ikaw ay sipain
Lagi silang nag-aaway, naririnig ng kapit-bahay
At ako’y minumura, ako’y anak daw ng tupa

Chorus
Istambay diyan sa kanto
(Ako/kami) ang istambay diyan sa kanto
Pagala-gala sa lansangan
Naglalakad (akong/kaming) walang pupuntahan

Ako nama’y anak-mayaman, ang daddy ko’y businessman
Wala siyang panahon sa mommy kong nalulumbay
Ang mommy ko’y naghanap, siya’y kumaliwa
Ngunit sa daddy ko, siya pala’y balewala
Ano ang aking gagawin, hindi pinapansin
Ngayo’y naririto, humihitit nitong damo

Chorus
Istambay diyan sa kanto
Ako ang istambay diyan sa kanto
Saan ako patutungo
Kaliwa ba o kanan o deretso

Kami ngayo’y naririto, hanap ay di alam
Huwag sanang sisihin, bagkus kami’y kahabagan

Chorus
Istambay diyan sa kanto
kami ang istambay diyan sa kanto
Pagala-gala sa lansangan
Naglalakad kaming walang pupuntahan