Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (21 votes, average: 4.43 stars)
Loading...

Ang Buhay Ko (Tagalog Rap Version) – Asyan Records Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Ang Buhay Ko (Tagalog Rap Version) – Asyan Records

Halos lahat ay nagtatanong doon sa aming bayan
Sa gitnang kanluran na aking pinagmulan
Sila’y nalilito, ba’t daw ako nagkaganito
Kung ano ang dahilan, ako lang ang nakakaalam

Rap 1:
Sa aking paligid ako ay hinuhusgaan
sa bawat kilos ko ay sadyang pinagtatabuyan
kahit mga kaibigan ay walang pakialam
sa kalgayan ko at hilig ay hindi maintindihan
walang nakikinig at sarado isipan
nais ko lang naman ay kanilang maunawaan
tanggapin ako kung sino at mga tinutupad
handa kong harapin ang pagsubog kahit hubad
lahat ay kaya basta marunong magmahal
ipamahagi ang biyaya sa harap ng maykapal
ipaglaban ang talento na pinanghahawakan
kung ano ang dahilan sadyang hindi nila alam.

Magulang ko’y ginawa na ang lahat ng paraan
Upang mahiwalay sa aking natutunan
Subalit iniwan ko ang ibinigay na karangyaan
Kung ano ang dahilan, ako lang ang nakakaalam

CHORUS
Musika ang buhay na aking tinataglay
Ito rin ang dahilan kung ba’t ako naglalakbay

Rap 2:
Heto ngayon nagsusumikap nakipagsapalaran
malakas aking loob at walang pinagsisihan
madanas ang mga bagay na di kaya ng iba
kinakaya mag-isa hindi kagaya ng iba
sana naman ay respetuhin ang aking pagkatao
lumilikha ng mga awit bilang musikero
sinusundan ang linya na sa akin nakalaan
dahil kahit anong mangyari hindi na bibitw
makamtam ang aking mga pangarap na walang kaba
maging mapagkumababa kahit simple kong tula
iangat ang musika na aking pinaghahawakan
ito ang buhay at ang aking dinadaanan

CHORUS
Musika ang buhay na aking tinataglay
Ito rin ang dahilan kung ba’t ako naglalakbay

Kaya ngayon ako’y narito upang ipaalam
Na ‘di ako nagkamali sa aking daan
Gantimpala’y ‘di ko hangad na makamtan
Kundi ang malamang tama ang aking ginawa

CHORUS
Musika ang buhay na aking tinataglay
Ito rin ang dahilan kung ba’t ako naglalakbay

Videokeman Search