Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (2 votes, average: 5.00 stars)
Loading...

May Pag-Ibig – Ashdevon Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of May Pag-Ibig – Ashdevon

Binigyan mo ng liwanag
Mundo kong muntik masanay sa dilim
Isa-isa muling nahukay
Bawat pangarap na sa limot nalibing

Dahil sayo
Muling natutong huminga
Ang dilaw muling dilaw
Ang pula’y muling pula
Dahil sayo
Nakarinig muli ng himig
At muli ring naniwalang…
May pag-ibig

Nagsimula muling gumana
Puso ko na kay tagal ding nahimbing
Nagsimula muling umasang
Na di muling masasaktan ang damdamin

Ohhhhh…

Dahil sayo
Muling natutong huminga
Ang dilaw muling dilaw
Ang pula’y muling pula
Dahil sayo
Nakarinig muli ng himig
At muli ring naniwalang…

May pag-ibig na tapat…
May pag-ibig na wagas…
May pag-ibig na naghihintay…
May pag-ibig na nagliligtas…
May pag-ibig na bulag…
At pag-ibig na may lakas…
Magpalaya at magtiwala

Muntik na’kong masanay
Sa mundong di na aninag…
Ang kulay
Muntik na’kong masanay
Sa mundong walang tunog…
O ingay

Dahil sayo
Muling natutong huminga
Ang dilaw muling dilaw
Ang pula’y muling pula
Dahil sayo
Nakarinig muli ng himig
At muli ring naniwalang…

May pag-ibig na tapat…
May pag-ibig na wagas…
May pag-ibig na naghihintay…
May pag-ibig na nagliligtas…
May pag-ibig na bulag…
At pag-ibig na may lakas…
Magpalaya at magtiwala

Magpalaya at magtiwala

Videokeman Search