Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (139 votes, average: 4.27 stars)
Loading...

Aking Napagtanto (Thinking Out Loud Tagalog) – Arron Cadawas Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Aking Napagtanto (Thinking Out Loud Tagalog) – Arron Cadawas

nung makita ka ako’y nabihag na
sa muka mong sobrang ganda
nung sinabi mong ako’y mahal mo na,
anong ligaya ang nadama

tanda mo pa ba?
pagmamahalan, habang buhay
at ngayon ay sariwa pa
di namamatay
at kung pano ba?

puso natin na pinag-isa
ano bang misteryo ng tadhana
bawat araw isip at puso’y sayo
at nais kong malaman mo

o mahal ko,
ikaw lang ang nag-iisa
sa lahat ng tala ikaw ay iba
yakap mo ang hanap mo sa tuwina
at aking napagtanto
na tayo’y pinagtagpo ng panahon

kapag ako’y tumanda at medyo ulyanin na,
at pag ako’y hindi na kilala
nakalimutan na ang pag-gigitara
pero, pag-ibig mo’y di nag-iiba

salamat sa walang sawang pagmamahal
pag-ibig na wagas, kunkreto na tila tumatagal
at kung pano ba?
puso na tila pinag-iisa,
higpit na hawak ang kamay
paulit-ulit sa aking pagkakamali
ayoko na sayong mawalay

o giliw ko
ikaw lang ang nag-iisa
sa lahat ng tala ikaw ay iba
yakap mo ang hanap mo sa tuwina
at aking napagtanto
na tayo’y pinagtagpo ng panahon

o mahal ko
ikaw lang ang nag-iisa
sa lahat ng tala ikaw ay iba
yakap mo ang hanap mo sa tuwina
at aking napagtanto
na tayo’y pinagtagpo ng panahon

Videokeman Search