Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (No Ratings Yet)
Loading...

Gaan – Archipelago Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Gaan – Archipelago

Sa init ko’y giniginaw
Nanginginig sa tag-araw
Tahimik at sumisigaw
Ang damdamin mong uhaw

CHORUS
At ano’ng gagawin ‘pag nagawa na ang lahat
Sa bawat sandali na lumilipas
At ano’ng dadalin ‘pag nawala na ang bigat
Saan ka uuwi sa bawat oras ng ‘yong gaan

Wala ka bang dinadala
Kay hirap ng pansanin mo
Sumilip ka sa kawalan
Sarili ang nakita mo

CHORUS

Mata’y dilat sa magdamag
Sisikat din ang araw mo
Sanay ba sa kamunduhan
Ito’ng tanong ko sa iyo

CHORUS
O, ano’ng gagawin ‘pag nagawa na ang lahat
Sa bawat sandali na lumilipas
At ano’ng dadamhin ‘pag nawala na ang bigat
Saan ka uuwi sa bawat oras ng ‘yong gaan

Ng ‘yong gaan
Ng ‘yong gaan
Ng ‘yong gaan

Videokeman Search