Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (5 votes, average: 5.00 stars)
Loading...

LSS (Laro Sa Salita) – Apekz Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of LSS (Laro Sa Salita) – Apekz

( intro )
“Mga tol
Mga repa
Ako nga pala si Apekz
Meron akong bagong trip
Sana masakyan niyo
Gusto mong malaman?
Ikaw, gusto mong malaman? Syempre pwede”

(verse1)
Sige lang pwede kong simplehan parang magaabot ng kodigo pwede kung simple lang ( simple lang )
Simple lang galawang simple lang parang yung tropa ko sa gilid sige pare, sindi lang.
Makinig ka ang entablado ay sisindihan
Malilibang, na parang gwardiya dun sa sinehan
Bawal ng makupad kupad kaylangan mong bilisan
Yung tipong male-late kana dun sa gimikan
Sapilitan? Wala to sa pilitan
Para hindi mo masabe na ako’y hinog sa pilit lang
Hindi pangkaraniwang Eddie set sa silang
Di mabilang ang tinira andali lang gilitan.
Balitaktakan? bali pakpak ng nakipaglaban paki taktak ang utak nakisalaksak lang pero mali saksakan kung ako’y bagyo’y bali kawayan
Kaya naman ika’y balewala lang

(chorus)
Pagdating sa lebel ako’y hindi na iba,
baka sabihin mo pinagtritripan kita.
bibidabida, sapul na nga sila
sa tulad kong mahilig mag laro sa salita
laro sa salita
laro sa salita
pasensya na ako’y mapaglaro sa salita
laro sa salita
laro sa salita
wag kang magalit kung ako’y mapaglaro sa salita

(verse 2)
wala kang tama, wala kang tama. Di mo alam kung saan tatama
para bang ligaw na bala
naguguluhan lang ba o malakas ang tama
ako solido pag bumwelo malakas ang tama
Tama ang dereksyon pero bakit pa kumanan
Pano ka tatama, nagbubulagbulagan
Sa dami ng tama, nagiging tama ang mali ko
Sa dami ng tama daig pasa ni Margarito, sige
Tama na kung tama na
Makakailag ka pa ba kung tatama na
Mag-ingat ka sa sinasabi, makatama ka
kala mo henyo ka na kung makatama ka
Ang dami kong naranasan na pagbuhat na mahirap
Ang kaya mo lang daleng ay balakubak sa balikat
Kung marami mang matatamo na sugat sa pagsikat
Pwede kong masabi na ang aking sulat ay agimat

(chorus)
Pagdating sa lebel ako’y hindi na iba,
baka sabihin mo pinagtritripan kita.
bibidabida, sapul na nga sila
sa tulad kong mahilig mag laro sa salita
laro sa salita
laro sa salita
pasensya na ako’y mapaglaro sa salita
laro sa salita
laro sa salita
wag kang magalit kung ako’y mapaglaro sa salita

(verse 3)
Dapat lang naman na masanay ka sa eksena
Pag hindi naghasa babalik ka sa eskwela
Mga pyesa hindi tatagal na para bang hinena
Tapos panay mura parang tindahan ni aling Nena
Teka, kapag nalito ihinto, di yung pilit tapos parang lasing to, may sinto
Daming patibong sa daan at liko ng liko
Dineretso ko parang walang sekyu sa pinto
Bumangga, bumunggo walang bitaw sa pagtimon
Panatag na’ko lalo na ang sasakyan ko ay pison
Mga pussy na hindi kaya na maging leon
Halata naman na may dalawang guhit sa ilong
Habang tumatagal lalong kumakapal ang mukha ko
Hindi na umiimpis parang tsinelas kong Rambo
Kaya kahit ‘san magtago gumilid man o tumabe
Paniguradong tatamaan ng mensahe ko kase

(repeat chorus 2x)
(chorus)
Pagdating sa lebel ako’y hindi na iba,
baka sabihin mo pinagtritripan kita.
bibidabida, sapul na nga sila
sa tulad kong mahilig mag laro sa salita
laro sa salita
laro sa salita
pasensya na ako’y mapaglaro sa salita
laro sa salita
laro sa salita
wag kang magalit kung ako’y mapaglaro sa salita

(Laro sa salita, laro sa salita) … (Laro sa salita, laro sa salita)