Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (3 votes, average: 4.67 stars)
Loading...

Arangkada – Apekz Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Arangkada – Apekz

Wag mo pilitin na isipin na walang pag-asa
Pagkat meron pa yan
Tingnan mo yung karamihan na meron pasan
Daig pa ang kuba pero di nagpapahalata
Sila pang magtatanong kung nakakain ka na
Namamagang mga mata mga hitang pata-pata
Pakiramdam mo ba ay meron kadena sa paa
Dahil sa bossing mong panot, masungit at lobo ang tyan
Naku kung ako sayo tatawanan ko lang yan
Dahil alam mo naman ang pagsubok
Dadaanan mo yan para mahubog
Wala namang mali sa pagsugod
Kung walang pinapalampas wag kang matulog
At kung sakaling mahulog tandaan na meron sasalo
Pangarap ay matatamo ito ang arangkada mo
Hindi uso ang bakasyon kahit araw ng sabado
Walang hintuan mapagod man o hatakin ka ngayon ng kama mo tara…

Chorus:
Bilisan arangkada
Wala munang papara
Kahit na madapa ka
Huwag isiping wala na
Basta’t tandaan lang na lagi kang may kasama
Pagpatuloy ang martsa
Bilisan arangkada
Bilisan mo lang

Di lamang ikaw ang may problema… marami
Ang payo ko sa iyo ugaling tsinelas palagi
Problema sa pera at problema sa renta
Problema sa pag-ibig ganyan talaga
Oras-oras napapaisip at napapatitig sa salamin… nanahimik
Tinitigan mo sya at bigla kang napahirit
Magaling ka kumanta bakit hindi ibirit
Todo bigay at halos mapatid ang litid
Papadaig ka ba sa utak na makitid
Eh ano sa kanila kung bigla kang tumirik
Maraming kokontra natural ang mabwisit
Ang mamato ng bunga dyan sila mahilig
Nagkalat ang ganyang uri ng tao sa paligid
Pero salamat na rin kaya ako lageng mainit
Hanapin ang sagot bawal ang sirit
Magagawa mo rin ang kaya mong gawin sa panaginip

Chorus:
Bilisan arangkada
Wala munang papara
Kahit na madapa ka
Huwag isiping wala na
Basta’t tandaan lang na lagi kang may kasama
Pagpatuloy ang martsa
Bilisan arangkada
Bilisan mo lang

Alam mo ba na nagsimula lang din ako sa kalye
Hindi pa swabe, kabado pa date, pasmado pa pare
Madalas na sermonan pero ganado palage
Ok lang pagsabayin basta pasado sa klase
Yan ang sabe alam ko na mahirap yun gawin
Pero ako si makulit kaya tinutuloy pa rin
Derederetso na kapag meron inayang dumating
Inaraw-araw dahil nagbakasakaling gumaling
Lahat ng bumangga dapat ay bulagta
Umabot pa nga sa punto na naging sugal na
Yun nga lang pano na lang kaya pag ako’y gurang na
Nung maisip ko yon parang ayaw kong tumanda
Kaso hindi naman pwede na ganon
Kasi nga mas mabilis pa kay Lydia tong takbo ng panahon
Bago pa mapunta don susulitin ko na muna
Dahil ang lalakarin ko ay sadyang malayo-layo pa

Chorus: 2X
Bilisan arangkada
Wala munang papara
Kahit na madapa ka
Huwag isiping wala na
Basta’t tandaan lang na lagi kang may kasama
Pagpatuloy ang martsa
Bilisan arangkada
Bilisan mo lang

(2x)
At kung sakaling mahulog
Tandaan na meron sasalo
Pangarap ay matatamo ito ang arangkada mo
Bilisan mo lang

Videokeman Search