Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (2 votes, average: 4.00 stars)
Loading...

Kailan Kita Mamahalin – Anna Fegi Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Kailan Kita Mamahalin – Anna Fegi

Kailan Kita Mamahalin – Anna Fegi

Bawat kwento ng pag ibig na nalaman
Pawang luha at hirap at kalungkutan
Kay tamis ng simula wari’y walang hanggan
Ngunit parang lagi na lang nabibigo

Kung sino-sino na ang kilala ko ang nasaktan
Madalas pa ngang ako ang takbuhan
Kung kaya ang nais ko’y iyo sanang maintindihan
Sa kabila ng tapat mong pagsuyo

Kailan kaya kita mamahalin
Kailan kaya kita iibigin
Kailan pa malilimot at hindi na matatakot
Sa pagkakataong ito’y luluha rin
Tunay man ang iyong pag-ibig sa akin
Hindi ko alam kailan kita mamahalin

Malinaw man sa isip ko’ng mga alinlangan
Sa puso ko’y dama’ng pangangailangan
Sa isang pagmamahal na sadyang aking akin lang
Umaasa na sana’y mahintay mo

Kailan kaya kita mamahalin
Kailan kaya kita iibigin
Kailan pa malilimot at hindi na matatakot
Sa pagkakataong ito’y luluha rin

Kailan kaya kita mamahalin
Kailan kaya kita iibigin
Kailan pa malilimot at hindi na matatakot
Sa pagkakataong ito’y luluha rin
Tunay man ang iyong pag-ibig sa akin
Di ko alam kailan kita mamahalin

Videokeman Search