Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (15 votes, average: 4.67 stars)
Loading...

Pag Dating Sayo – Anm and Playazz Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Pag Dating Sayo – Anm and Playazz

ako’y mala-robin padilla walang sina-santo
kung sino man ang sumuway sana-sampal ko sa apdo
wala akong trabaho kasi ayokong mapagod
pero sa kamay lagi may lagay at sahod
kapag ako ay nag-ingay tapos merong sumaway pinapasok ko sabay hinagahis sa bakod
sa tapang kong taglay wala-walang baranggay imbes kami umuwe pinapauwe ko yung tanod
pero kapag si misis sumigaw na ng “uwe”
sa sobrang kaba ko sa pantalon naiihe
at pagnakita kang palapit na at susugod,
yung tatto kong ananconda ay nagiging uod
malayo ka palang tanaw na ang kinang ng tubo
kaya ang lakad ko biglang tutulin at tuturbo
matatabunan ng pasa ang mga tatto ko
biglang magiging ek-ek ang kanina na taguro
kanina ang hawak ko ay baril pati granada
ngayon ang hawak ko ay damet pati plangana
ako’y handang-handa na kalaban ko labada
kanina ay atapang bigla ngayon ala na..

sa labas ako ay tiga hasa’t hayok sa hassle
pero sa loob mabait pako sa angel…
kaya takot ako sa aking asawa kong mahal
kasi ang totoo kalalabas ko lang ng ospital (gawa nya)

Pag-dating sayo ohhh… nawawala ang likas kong tigas
oras na bumigkas kana ahhh…
Pag-dating sayo ohhh… halos napapa-atras sa lakas ng hampas
pag di naka-alpas ay winawasiwas mo ako ohhh…

Ako ang pinaka-maangas sa aming mag-babarkada
mga sumusuway sa utos ko ay buma-balandra
at gumagapang sa sahig ng naka-dapa
tapos lumuluhod sa harap ko nangangapa
ganyan ako katikas pagdating sa labas
lahat uma-atras kasi ako ang batas
pero pag dating sayo lahat ng to nabubura
kasi isang maling galaw ko lang pirmes mapupurga
sa mga suntok mo na walang humpay na pag-atake
ang masaklap pa nun sasabayan pa ng karate
sayo walang makapigil at walang maka-awat
kung sinong magtangka muka’y magkaka-lamat
sobrang bagsik mo talaga mala tigre ka kung mag-wala
kaya laging nasa sulok lang at walang magawa
kapag ikaw ay naa-burido
agad-agad lumilipad mga plato’t platito
kaya minsan gusto ko ng lumayas
kaso baka pagdating ko sa pinto sampalin mo ng tshinelas
pero pag ako’y nasa kalye ako ang pinaka-siga
kapag naman sayo ako ay nagkakanda-hika
kasi utos dito,utos dun,utos dito,utos dun kaya ako ay laging nahihilo
kahit na gina-ganito mo ako, ako pa rin ay matapang, kaso nga lang pagdating
sayo ako ay wala na

Pag-dating sayo ohhh… nawawala ang likas kong tigas
oras na bumigkas kana ahhh…
Pag-dating sayo ohhh… halos napapa-atras sa lakas ng hampas
pag di naka-alpas ay winawasiwas mo ako ohhh…

Mala-asiong ang tindeg yung tipong wala ng mas babangis
napag nag marka sa kalye mga tambay nawawalis
ganyan ang bagsik ko pero nawawala din ang bangis
pag dating sayo oras na umamba na ng walis
tila tino-troma nagkaron na ng phobia
marinig lang kumaluskos ang swelas ng alpombra
ganyan aura mo sobra walang makaka-kontra
kahit kontrabidang may agimat na pangontra
pero ewan ko ba di ka maiwan- iwan
baliw na nga ba ako oh nag-babaliw baliwan
ohh mahal kasi kita kaya di mabitiw-bitiwan
pagiging under at takot takot kasi maiwan
mo ako kaya walang habas na tumutupi
sa sermong parang nagpapalayas pag nag-papauwi
pero sa sususnod pa na gawin mo yun uli…
huh! iilag na ako at kakaripas papa-uwi
pero syempre biro lang hindi ko na yun uulitin
mukang huling dami ko ng lakas sayong sunod mong pupunitin
kundi lang ako mabigat tagal akong nabitin
patiwarik muntik na nung ulo moy painitin…
kaya ngayon masunurin at laging naka-roger
sa utos ng comander kasi hirap ng ma-corner
sa tulad mong panis ang MMA fighter at boxer
all the round ay cyntia laster pagiging monster ay master

[Repeat 2x]
Pag-dating sayo ohhh… nawawala ang likas kong tigas
oras na bumigkas kana ahhh…
Pag-dating sayo ohhh… halos napapa-atras sa lakas ng hampas
pag di naka-alpas ay winawasiwas mo ako ohhh…