Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (115 votes, average: 4.70 stars)
Loading...

Sana Bukas Pa Ang Kahapon – Angeline Quinto Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00

Lyrics of Sana Bukas Pa Ang Kahapon – Angeline Quinto

Kung sana’y darating pa lang ang sa aking nagdaan
Di ako mabibigla at mapapaghandaan
Kabiguan, kasawian, sana’y di akin ngayon
Sana bukas pa ang kahapon

Sana’y maiiwasan ko ang tayo’y magkalapit
Kung alam kong luha lang ang magiging kapalit
Akala kong pagmamahal, bakit ba nagkaganun
Sana bukas pa, sana bukas pa ang kahapon

Kung maibabalik ko lang ang kamay ng orasan
Sana ako’y may bukas pa, sa kasawia’y makakaiwas pa
Ang lahat may lunas pa kung ang ‘yong kahapon
Sana’y bukas pa

Ang pagsisisi nga naman laging sa dakong huli
Ang mangyayari pa lang di natin alam kasi
Dahil di natin hawak ang pagtakbo ng panahon

Sana bukas pa, sana bukas pa

Sana bukas pa ang kahapon