Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (2 votes, average: 5.00 stars)
Loading...

At Ang Hirap – Angeline Quinto Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of At Ang Hirap – Angeline Quinto

Naglalagay ng kolorete sa aking mukha
Para ‘di nila malaman
Ang tunay na naganap
Na ikaw at ako ay hindi na

Ineensayo pa ang mga ngiti para ‘di halata
Damdamin ko’y pinipigil
Sa loob umiiyak
Dahil ikaw at ako ay hindi na

At ang hirap
Magpapanggap pa ba ako
Na ako ay masaya
Kahit ang totoo ay talagang wala ka na
At kung bukas pagmulat ng aking mata
May mahal ka nang iba
Wala na kong magagawa, di ba?

Paano ko sasabihin
Sa mga kaibigan ko
Kung ako rin ang sisisihin
Nabulagan ako
Na ikaw at ako ay wala na

At ang hirap
Magpapanggap pa ba ako
Na ako ay masaya
Kahit ang totoo ay talagang wala ka na
At kung bukas pagmulat ng aking mata
May mahal ka nang iba
Wala na kong magagawa, di ba?

Sa’n ba ko nagkamali
‘Di ko maintindihan
Kung sino pang nagmamahal
S’ya pang naiiwan
S’ya pang naiiwan…

At ang hirap
Magpapanggap pa ba ako
Na ako ay masaya
Kahit ang totoo ay talagang wala ka na
At kung bukas pagmulat ng aking mata
May mahal ka nang iba
Wala na kong magagawa, di ba?