Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (No Ratings Yet)
Loading...

Umaapaw – Ang Bandang Shirley Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Umaapaw – Ang Bandang Shirley

Awit, masaya ang mga tenga
Sa aking alaala ito nagsimula
Ilaw, ika’y pinakilala
Mata ko ay nasilaw sa iyong ganda
Antok at pagod tila naglaho
Pagkagising, panaginip ang dumalaw
Damdamin ko’y umaapaw

Labi, halik na ninanais
Sa dulo ng aking dila salitang matatamis
Yakap, higpit ng mga braso
Sa ‘yong pagkadiin ay dumadaloy ang dugo
Halo-halo sa isipan ko
Init, tinig at tamis sa araw-araw
Damdamin ko’y umaapaw

Handing sabihin at ipakita
‘wag pigili ang pagbugso
Pagkagising, panaginip
‘wag pigilin ang damdamin

Puso, hayaang paganahin
Sa muling pagkikita mayroong dadalhin

Talumpati sa harap ng isang tao
Walang ibang kailangan lahat kabisado
Buo ang loob ko sa iyo
Ganito ako kasigurado
Init, tinig at tamis
Awit, yakap at halik
Ikaw ang tubig na papawi sa ‘king uhaw
Pag-ibig ko’y umaapaw