Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (No Ratings Yet)
Loading...

Nakauwi Na – Ang Bandang Shirley Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Nakauwi Na – Ang Bandang Shirley

Bakit kailangang malungkot at umiyak?
Bumabagal ang ‘yong mundo’t bumibigat

Nakatitig sa wala, malayo ang tingin
Tuyo na ang luha sa lamig ng hangin
Pwede ka bang puntahan diyan at tabihan?
Kahit walang sinasabi’t tahimik lang

Kahit sandali lang, basta’t makasama ka
Kahit mamaya-maya lang ako’y uuwi na
Kahit walang katapusan, hindi ka iiwan
Basta’t makasama ka ako’y nakauwi na

Nakatitig sa iyo, hindi panaginip
Pinagmamasdan ang ‘yong pag-idlip
Pwede bang tumira sa ‘yong kaharian?
Pagsisilbihan ka at aalagaan

‘Di na kailangan malungkot at umiyak
Bumibilis ang ‘yong mundo’t gumagaan