Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (29 votes, average: 4.45 stars)
Loading...

Kung May Oras Pa Ako- Loraine, Anak Ng Madre Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Kung May Oras Pa Ako- Loraine, Anak Ng Madre

kung oras pa akong nalalabi ay iaalay ko sayo.
diko man sabihin kung saan sana ay matanggap mo
kung ako ay nandoon,at dimo na makita pa
nakatingin,makamasid,aalagaan ka
tumingin ka sa mga bituin,naroon ako

kamusta po akyo,anung lagay ngo dyan?
kami heto po at sobrang namimiss ka na naman
lalo na si inay gusto ka na makasama
hinahanap nya na yung pagluluto mo sa umaga
kulitan ta tawa,bago matulog sa kama
ang sarap sana isipin ang kaso nga lang wala ka
wala dahil kailangan tungkulin mo’y gampanan
at kaligtasan ng mahal mong bayan ay mabantayan
milyong saludo man ay di kayang mapantayan
taas noong isisigaw sa mundong saking tatay yan
nga pala tay taas ng grade ko lalo na sa matimatika
isa to sa pasasalubong ko pag nakita ka
ng maski papano maibsan ang hirap at pagod mo
makita na sinunod ko lahat ng payo mo
pero bat ilang araw ng di ko nadidinig ang mga sagot mo
yun pala ay dumating na ang araw na kinatatakot ko wala kana

kung oras pa akong nalalabi ay iaalay ko sayo.
diko man sabihin kung saan sana ay matanggap mo
kung ako ay nandoon,at dimo na makita pa
nakatingin,nakamasid,aalagaan ka
tumingin ka sa mga bituin,naroon ako

gumising kana pa,ang daya mo naman
alam ko tulog kalang po bumangon ka na dyan
wag akong iiyak,di ba sabi mo yan
kaso hindi ko kaya pa lalot makita kang nandyan
gusto ko ng marinig ang boses mo at makausap ka
hindi ako mahihiyang sabihin na mahal kita.
sige na pa. miss na miss kana ni mama
yung papa namin na di nagsasawang magpatawa
pag pagod kang uuwi ay hihilutin ang binte
at magtatampo ka saken pag ako ay huminde
sabay bigla kang ngingite at biglang mangingilite
ang masakit lahat ng toy dina mauulit mule
kung alam ko lang mangyayari to’t magaganap
sana pinigil na kita nung huli kang kaharap
wag kana lang tumuloy pa,dito kana lang po
sabay halik sa noo ko yun ang huli nating tagpo

kung oras pa akong nalalabi ay iaalay ko sayo.
diko man sabihin kung saan sana ay matanggap mo
kung ako ay nandoon,at dimo na makita pa
nakatingin,nakamasid,aalagaan ka
tumingin ka sa mga bituin,naroon ako

alam mo ba,tandang tanda ko pa yung huling beses.
ko pa marinig nag tinig mo at iyong boses.
ang sabi mo kay nanay,si tatay alagaan
pati ang kapatid ko nay ay wag nyong pabayaan
di ko na pinansin kase dina yun bago saken
di ko alam yun na pala ang yong huling habilin
kung pwede lang habulin,kita ay sususnod ako
at nag balang ipinutok sayo ako ang sasalo
upang mabuhay ka,di baleng mamatay ako
ng sa ganon makagante sa mga kabutihan mo
kaso lahat ng yon diko nagawa
pagkat ako ay nabigla at napatulala
a bitbit ng kapwa mo pulis ang yong labi
sobrang sakit samin makita na ganyan kang inuwi
kaya ngayon kao ay balisa at hindi makusap
habang tinititigan ko ang yong muka sa ulap

kung oras pa akong nalalabi ay iaalay ko sayo.
diko man sabihin kung saan sana ay matanggap mo
kung ako ay nandoon,at dimo na makita pa
nakatingin,nakamasid,aalagaan ka
tumingin ka sa mga bituin,naroon ako

mahal kong ama,kamusta kana
bakit hanggang ngayon dika parin tumatawag samin ni ina
siguro nga galit ka saken dahil sa mga sinabi ko
kase hindi ko sinunod lahat ng mga nais mo
na magig kagaya mo at maging kasing tapang mo
yan ang laging sinasabi mo saken sa telepono
alam mo ba aking ama,miss na miss na kita
marinig konga lang ang tinig mo sobrang saya ko na
pero bakit,biglang lumapit sakin si ina
umiiyak ay sinabi sa akin na wala kana
ako’y natulala halos di makapag salita
kailan man dina mababalik ang buhay na nawala
katarungan ang gusto kong iganti
aking ama itutuloy ko na lahat ng yung mga sinabi
na balang araw sususnod ako sa yapak mo
ama ko kung nasan kaman ako’y gabayan mo

(2x)
kung oras pa akong nalalabi ay iaalay ko sayo.
diko man sabihin kung saan sana ay matanggap mo
kung ako ay nandoon,at dimo na makita pa
nakatingin,nakamasid,aalagaan ka
tumingin ka sa mga bituin,naroon ako

Videokeman Search