Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (27 votes, average: 4.89 stars)
Loading...

Awit Mo’y Nandito Pa – Aldrich Talonding and James Bucong Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Awit Mo’y Nandito Pa – Aldrich Talonding and James Bucong

Kahit di naririnig,
Tinig ko’y umaawit.
Kahit di napapansin,
Ngiti ko ay nagniningning.
Napawi na ang pangamba.
Diwa ko’y malaya na.

Nalibot ko na ang buwan at araw.
Ilang ulit na ring ako’y nasilaw;
Ngunit awit mo’y nandito pa
Hinila dito’t saan-saan.
Pagkatapos lahat ng nagdaan,
Awit mo’y nandito pa…
Awit mo’y nandito pa…
Awit mo’y nandito pa!

Simoy ng hangin nagbalik,
Umihip ng pag-ibig.
Sa mundo nating mabagsik,
Himig mo ay nanaig.
Damdamin ko’y lalong tumatag,
Hinding-hindi matitinag.

Dahil naikot ko na ang buwan at araw;
Paulit-ulit na ring nasilaw.
Ngunit awit mo’y nandito pa
Nawala ako at natagpuan.
Pagkatapos lahat ng nagdaan,
Awit mo’y nandito pa…
Awit mo’y nandito pa…
Awit mo’y nandito pa!

Oh, ang pagmamahal mo
Ang tanging kailangan ko.
Ikaw ang laging nandiyan;
Hindi mo ako iniwan kailanman.

Nalibot ko na ang buwan at araw.
Ilang ulit na ring ako’y nasilaw;
Ngunit awit mo’y nandito pa
Hinila dito’t saan-saan.
Pagkatapos lahat ng nagdaan,
Awit mo’y nandito pa…
Awit mo’y nandito pa…
Awit mo’y nandito pa!

naikot ko na ang buwan at araw;
Paulit-ulit na ring nasilaw.
Ngunit awit mo’y nandito pa
Nawala ako at natagpuan.
Pagkatapos lahat ng nagdaan,
Awit mo’y nandito pa…
Awit mo’y nandito pa…
Pag-ibig mo’y kinakanta!