Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (2 votes, average: 5.00 stars)
Loading...

Urong Sulong – Alden Richards Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Urong Sulong – Alden Richards

Naninikip ang dibdib,
di makapagsulat ng tuwid
Tuwing nakikita ang iyong ngiti,
sumasaya at napapangiti na rin

Kapag ika’y nakakatabi,
pinapawisan pero di naman mainit
Bumibilis ang takbo ng isip,
para may masabi at makausap ka kahit saglit

Urong sulong ang puso ko,
paano ba ako aamin sa’yo?
Urong sulong ang puso ko,
hanggang dito lang ba ito?
Paghanga ko sa iyo

Gumagawa ng paraan
para makakuwentuhan ka lang
Sumisimple, kunware meron akong hihiramin,
Wag sana akong mabuking

Urong Sulong ang puso ko,
paano ba ako aamin sa’yo?
Urong Sulong ang puso ko,
hanggang dito lang ba ito?
Paghanga ko sa iyo

Urong Sulong ang puso ko,
paano ba ako aamin sa’yo?
Urong Sulong ang puso ko,
hanggang dito lang ba ito?
Paghanga ko sa iyo