Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (29 votes, average: 4.10 stars)
Loading...

Tuwing Umuulan at Kapiling Ka – Aiza Seguerra With Ryan Cayabyab Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Tuwing Umuulan at Kapiling Ka – Aiza Seguerra With Ryan Cayabyab

Pagmasdan ang ulan
Unti-unting pumapatak sa mga halaman at mga bulaklak
Pagmasdan ang dilim
Unti-unting bumabalot sa buong paligid tuwing umuulan
Kasabay ng ulan bumubuhos ang ‘yong ganda
Kasabay ng hanging kumakanta
Maari bang huwag ka nang sa piling ko’y lumisan pa
Hanggang ang hangi’t ula’y tumila na

Buhos ng ulan aking mundo’y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo ‘di mapipigil
Ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko’y umaapaw
Damdamin ko’y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

Pagmasdan ang ulan unti-unting tumitila
Ikaw rin magpapaalam na
Maari bang minsan pa
Mahagkan ka’t maiduyan pa
Sakbibi ka’t ulan lamang ang saksi?

Minsan pa ulan bumuhos ka’t h’wag ng tumigil pa
Hatid mo ma’y bagyo dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko’y umaapaw
Damdamin ko’y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

Maari bang minsan pa
Mahagkan ka’t maiduyan ka
Sakbibi ka’t ulan lamang ang saksi?

Buhos ng ulan aking mundo’y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo ‘di mapipigil
Ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko’y umaapaw
Damdamin ko’y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

Minsan pa ulan bumuhos ka’t h’wag ng tumigil pa
Hatid mo ma;y bagyo dalangin ito ng puso kong sumasabog