Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (2 votes, average: 5.00 stars)
Loading...

Monaliza – Aikee Ft. Curse One Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Monaliza – Aikee Ft. Curse One

Nung una kang masilayan halo’s di namalayan
na nag-iisa ka lang gusto ka sanang damayan
at lapitan ka kaso naunahan ng kaba
nangibabaw ang hiya at inisip na baka ako’y
Balewalain hindi mo ko pansinin
at kapag ako’y lumapit bila mo kong isnabin
kailangan ng lakas ng loob para lapitan ka
makilala ka at sabihin ang nadarama
ikaw ang babaeng natatangi
ako ay nabighani sa ganda ng yong mata at labi
walang masabi kundi ang pangalan mo
Monaliza ang makilala ka’y karangalan ko

[Chorus]
Siya ang natatanging babae na
nakapagpatibok ng puso ko yeah..
babae na hindi mahirap mahalin
ngunit hindi madaling
makuha ng basta binibini
na likha ng itaas
sa panloob man o panlabas
ang kagandahan niya
ay hindi mai-hahambing sa kahit ano
siya si Monaliza siya ang lahat sa akin
siya si Monaliza ang inspirasyon ko
siya si Monaliza siya ang lahat sa akin
siya si Monaliza

Babaeng merong disiplina dalagang pilipina
kahit nasan ako ikaw ang laging binibida (love at first sight)
sayo ko lang nadama ito pagkatao ko ikaw ang bumuo nito
ang makapiling ka’y walang imposible
sa ganda mong triple ikaw yung tipong simple
pinong-pino ang galaw wala kang kapintasan
laging pinag-uusapan saan man sa pamantasan
ang makasama ka ito ba ay kalabisan
may kasabihan pag-ibig ng una kang mamasdan
buo ng araw ko ikaw ang nag-umpisa
ika’y kakaiba nag-iisang Monaliza

[Chorus]
Siya ang natatanging babae na
nakapagpatibok ng puso ko yeah..
babae na hindi mahirap mahalin
ngunit hindi madaling
makuha ng basta binibini
na likha ng itaas
sa panloob man o panlabas
ang kagandahan niya
ay hindi mai-hahambing sa kahit ano
siya si Monaliza siya ang lahat sa akin
siya si Monaliza ang inspirasyon ko
siya si Monaliza siya ang lahat sa akin
siya si Monaliza

Walang oras na hindi nabighani sayo
sa twing nasisilayan ka humihinto ang ikot ng mundo
mga sagradong anghel sa langit ay umaawit
dahil sa ganda mong taglay
asahan mong sayo ang puso ko..

(wag ka na sana mawalay)

[Chorus]
Siya ang natatanging babae na
nakapagpatibok ng puso ko yeah..
babae na hindi mahirap mahalin
ngunit hindi madaling
makuha ng basta binibini
na likha ng itaas
sa panloob man o panlabas
ang kagandahan niya
ay hindi mai-hahambing sa kahit ano
siya si Monaliza siya ang lahat sa akin
siya si Monaliza ang inspirasyon ko
siya si Monaliza siya ang lahat sa akin
siya si Monaliza