Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (No Ratings Yet)
Loading...

Kapangyarihan Ng Pag-Ibig – Aicelle Santos Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Kapangyarihan Ng Pag-Ibig – Aicelle Santos

hah-hah-hah
Atras-abante hindi ko maintindihan
Minsan kampante bigla nalang mawiwindang
Paulit-ulit lang buong maghapon para lang naka kahon
Pawang nagtapon naubos lang ang panahon

At nang tinawag mo inawat mo ang ikot ng mundo
Niyakap mo’t binago ang pulso

Hindi mapipigilan ng daluyong
Hindi mababagabag ng dagundong
Sa bisa ng kapangyarihan ng pag-ibig mo

Sobrang salamat sa dulot mong pagmamahal
Siyang nararapat sa puso kong napapagal
Lahat ay kakayanin kong daanan kayang kayang lampasan
Walang hangganan ngayon at magpa kailan man

Pagkat tinawag mo inawat mo ang ikot ng mundo
Niyakap mo’t binago ang pulso

Hindi matatawaran ang pangarap
Hindi mababawasan ang lagablab
Sa bisa ng kapangyarihan ng pag-ibig mo
Hoh-hoh-hoh

Di ko kaya pag wala ka huwag na
Sa piling mo ay may pag-asa
Sa piling mo walang iba

Hindi mapipigilan ng daluyong
Hindi mababagabag ng dagundong
Sa bisa ng kapangyarihan ng pag-ibig mo
Hoh-hoh-hoh

Hindi matatawaran ang pangarap
Hindi mababawasan ang lagablab
Sa bisa ng kapangyarihan ng pag-ibig mo
Hoh-hoh-hoh

Hoh-hoh-hoh
Hoh-hoh-hoh

Sobrang salamat sa dulot mong pagmamahal