Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 5.00 stars)
Loading...

Walang Hanggan – Agsunta Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Walang Hanggan – Agsunta

Gulong gulo ang puso.
Saan ba ‘to patungo?
Di ko alam. Di ko alam.

Hinarap lahat ng balakid
Pero bakit walang kapit
Ang mga pangakong binitawan?
Di ko alam. Di ko alam.

Noong ika’y nilalamig, ako’y iyong init
kapag takot sa bukas, ako’ng unang sisilip
Ginawa ko na ang lahat
Di pa din sapat kasi ika’y mawawala na.

Nawalan ng gana ang tadhana.
Nanlalamig ‘yong dating nagbabaga.
Kung maibabalik lang sana.
Titiisin ko na kahit paulit-ulit
Tapos pipilitin ko na di maulit
Ang masulyapan mo yung dulo
Akala ko walang hanggan pero may dulo.

Bawat segundo sa aking puso iuukit.
Lahat ng alaala aking iguguhit,
para makalimutan mong may dulo.
Ang sabi mo walang hanggan, pero eto tayo
sa dulo.

Kailan ka ba napaso?
Nanlalamig na ang iyong braso.
Bakit ganyan? Bakit ganyan?
Kung pwede lang pakisagot lahat ng bakit.
Saan galing ang galit?
Mayroon bang nang-aakit?
Kailangan ko lang malinawan.
Bakit ganyan? Bakit ganyan?

Handang panindigan lahat ng ating plano.
Sigurado kahit di kabisado.
Gagawin ko ang lahat.
Walang pake kung di sapat
Kasi ikaw ay mawawala na.
Nawalan ng gana ang tadhana.
Nanlalamig iyong dating nagbabaga.
Kung maibabalik lang sana.

Iindahin ko ang sakit na gumuguhit.
Ngingiti sa likod ng luhang pumupunit
Baka masulyapan mo yung dulo.
Kasi sabi mo walang hanggan,
Ba’t merong dulo?

Ibibigay ko ang lahat paulit ulit.
Bawat pagkakataon ay aking isusulit,
Baka matalikuran mo yung dulo.
Ang sabi mo walang hanggan.
Ba’t na’ndito tayo sa dulo?
Oh Ohhh
Sa dulo.
Oh oh ohhh

‘Wag ka munang tumalikod.
Bumalik ka muna dito.
Padampi kahit anino.
Ayokong mag-isa dito.
Wala na bang bisa aking dalangin?
Tinataboy na ba ng langit?
Nakikiusap na lang sa hangin,
Ngayon wala ka na sa akin.

Bakit ba biglang meron tayong dulo?
Pangako mo walang hanggan.
Bakit nandiyan ka sa dulo?
Pwede bang kalimutan mong may dulo?
Handa ‘ko sa walang hanggan.
Pangako mo walang hanggan.

Akala ko walang hanggan.
Handa ‘ko sa walang hanggan
Akala ko walang hanggan
Pangako mo walang hanggan

Sabi mo walang hanggan

Kung ika’y mawawala sa aking piling,
Dinggin mo aking bilin.
Lingon ka lang paminsan minsan.
Dito lang ako.
Di ako lilisan.
Sa ating dulo, di ako lilisan.

Videokeman Search