Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (No Ratings Yet)
Loading...

Palaisipan Ft Ms.thart – Acepipes Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Palaisipan Ft Ms.thart – Acepipes

(Chorus)
Hindi naman kailangan
na mag yabang
Kung puro lang da,da
hindi naman alam ang tema nang kanta..
Mapapa isip ka.. kung sino ka..
Pakinggan ang mga bara, letra
teka muna bago manghusga!

1st Verse
Simulan na ang tugmaan
sino man nasa ugnayan
meron dyan matatamaan
di ko man mapatunayan

Na ikay isang makatang
pilay nilang maharang
may antas kang mataas
at tila may dilang matapang

Nanlait ng baguhan
papikit lang paburan
idilat mo ang mata mo
na mas higit kang batukan

Balak yakapin ang pinas
kunin hatakin mapitas
ngunit hindi lahat ng tao’y
may tenga din na pingas

Na basta lang mapapahanga
sa letrang napakababa
sulat mo’y walang bigat
sadya lamang napakahaba

Sinlalim ba ng balon
o baka ng garapon
wag mong ituring na rason
kung simple lang na bara yon

Malapit ka ng mahulog
masakit man ang madurog
wala kang kinabukasan
kahit pa nga matulog

Ako’y isa sa mga
di mo maisasama sa
mga tinatapakan mong
lalong mas pinasasama

(Chorus)
Hindi naman kailangan
na mag yabang
Kung puro lang da,da
hindi naman alam ang tema nang kanta..
Mapapa isip ka.. kung sino ka..
Pakinggan ang mga bara, letra
teka muna bago manghusga!

2nd Verse
Beterano at bagito
delekado ka na dito
basahan kang lalabas pag
neretaso ka ng pino

Bagong sibol lang ako
pero sapol ka ano
pilit kang nangangatwiran
kahit tutol na sayo

Sarado muna ang bibig
klarado mo ang pandinig
parang halaman kang tuyot
barado ba ang pandilig

Ang dami mong nauuto
ganyan ba kapag maboka
pero ‘to ang totoo
mamang bobo at bano ka

At dapat nang pinipilas
tulad mong pinapatikas
ng sariling kahanginan
yan ang ‘yong pinaka gilas

Di dapat tingalain
mas bagay kang tapak-tapakan
kala mo bida ka rin
mas tunay kang tapang-tapangan

Wag mo kasing husgahan
kaya ka natutumbasan
kung ikaw lang ang kasugalan
ako na pupusta dyan

Nakakapigil ng dugo
na kada gigil ay puno
sa magalas na asta mo
nakakasinsil ng bungo

(Chorus)
Hindi naman kailangan
na mag yabang
Kung puro lang da,da
hindi naman alam ang tema nang kanta..
Mapapa isip ka.. kung sino ka..
Pakinggan ang mga bara, letra
teka muna bago manghusga!

3rd verse
Palawakin ang pag galaw
palayuin ang pagtanaw
walang lakas ang tulad kong
sa layunin lang nag-apaw

Pero may boses pang tugon
sa mga maling paratang
dahil sa maling akalang
atras na dating matapang

Wag mong mamaliitin
mga umuusbong palang
pag nagawa kang tupiin
baka magsusumbong ka lang

Lahat marunong sumalag
dapat matutong pumalag
kung ayaw mapagiwanan
at sa tulong lumapag

Bara ay pinag-isipan
letra di pinagsiksikan
para maintindihan
pwera muna mabilisan

Sa laro na kung tawagin
maka-pudpudan ng utak
malabo ka ng palarin
sumagad ka man ng tulak

Ni hindi ko rin alam
kung makakalugar ka pa
pero hindi mo ba ramdam
na nakakaasar ka na

Ang dulo mo ay dito na
hindi ako yung tipo na
magwawalang kibo na lang
kapag patuloy pinuna.

(Chorus)
Hindi naman kailangan
na mag yabang
Kung puro lang da,da
hindi naman alam ang tema nang kanta..
Mapapa isip ka.. kung sino ka..
Pakinggan ang mga bara, letra
teka muna bago manghusga!

(Chorus)
Hindi naman kailangan
na mag yabang
Kung puro lang da,da
hindi naman alam ang tema nang kanta..
Mapapa isip ka.. kung sino ka..
Pakinggan ang mga bara, letra
teka muna bago manghusga!