Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (3 votes, average: 3.00 stars)
Loading...

Himig Sa Paraiso Featuring Mcnaszty One – Acepipes Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Himig Sa Paraiso Featuring Mcnaszty One – Acepipes

CHORUS:
Alam kong di madali abutin ang mga sandali
laging uhaw sa pag tanaw, maabot ang talang di gumagalaw..
Kulang pa…
Alam kong kulang pa…
Lahat ng ito..
Ay ang pagsubok sa..
Himig ng paraiso…..

maraming bagay ang nagbago,nasanay sa paglabo
ng pagasa,di inisip nasa hanay na pala ko..
ng talentong nag-angatan, talinong mas kailangan
sa pagiging kilala higit kaninong may pangalan..
at naging posible ang inakalang imposible
sa marunong tumimbang marahil ay di to simple..
nagpupuyat ng pilit, nagsususlat ng lyrics
mas higit pa sa libro ang nabubuklat ng isip..
nasa tyempo kada metro at alerto nakasentro
guhit ng kaalaman na parang yeso ng maestro..
di nag-paagos sa hadlang, di nag-pagapos ang paang
nais may marating bago matapos ng hakbang..
at kahit tila pagod panay ang usad
pilit inaabot sing-layo man ng ulap
hindi na nga nag-pahilo itinama ang mali ko
isinaman ang hilig ang himig nasa paraiso..

CHORUS:
Alam kong di madali abutin ang mga sandali
laging uhaw sa pag tanaw, maabot ang talang di gumagalaw..
Kulang pa…
Alam kong kulang pa…
Lahat ng ito..
Ay ang pagsubok sa..
Himig ng paraiso…..

pagkakatenga ng higit kulang isang taon
nakaidlip at ang inip pilit ko lang sinalba yon..
binigyan ng halaga kahit ultimo kapiraso
ung tipong sumasabay pa rin kung di mo kabisado..
pulido kasing bago ng modernong pagpatula
basta’t hindi nalalayo at ang tumerno sakto na..
hindi naghangad ng sobra, sumuporta di kumontra
at walang tinuring na-kaaway kahit di ko tropa
kinusot na raw dumi ng kilos ko’t galaw
kahit di lubos tanaw ang ginusto ay ang saklaw
ng pagigiging isa sa napiling larangan
manatiling iba sa sariling panagalan
lapis at papel na baon nais ay maidala ko
sa isang awit na bago labis na naitala ko
mahalaga ang letra ang titik ay parang piso
kung sapat ang ipon mo yan ang himig sa paraiso

CHORUS:
Alam kong di madali abutin ang mga sandali
laging uhaw sa pag tanaw, maabot ang talang di gumagalaw..
Kulang pa…
Alam kong kulang pa…
Lahat ng ito..
Ay ang pagsubok sa..
Himig ng paraiso…..

Minsan ang buhay ay seryoso minsan ay medyo kwela
minsan kasali ka minsan naman ay echepwera
pero aking inisip nag sikap at pinilit
na inisang tabi lahat ng hirap ay ginilid..
ayoko ng maukit binurang problema
salitang si malunok na parang dinura kong plema
ngunit kailangan tumatag yan ang tumatak
sa isipan sasabay kahit saan man lumapag..
pero di nilimot bumaba at mag pakumbaba
kumbaga pag natulog kailangan din dumapa
at masuring sinuri kung anong dapat kong dala
san mang uri o tala kung may papuri o wala
ang importante komportable saking kinahiligan
minahal ang musika bawat pantig pinag isipan
tahimik na nag aabang titig sa alapaap
himig sa paraiso tinig ng bawat pangarap..