Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 5.00 stars)
Loading...

Ipanalo Ang Pamilyang Pilipino – ABS-CBN Halalan Summer Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Ipanalo Ang Pamilyang Pilipino – ABS-CBN Halalan Summer

Doseng oras kumakayod
Para sa konting sukli
Walang sinabi ang pagod
Basta may maiuwi
Katuparan sa pangako

Sana Di na magtagal
na tulad ng tinta sa daliri
Tuwing may nahahalal
Malasakit sa isat-isa
Ang magiging tulay
At ang tamang pagpili
Ang siyang gagabay

Koro:
Ooohhh ooohhohh
Sabay tayong maghahangad
Ooohhh ooohhohh
Sabay nating titiyakin

Ipanalo ang (eey)
Ipanalo ang (eey)
Ipanalo ang pamilyang Pilipino (2x)
Ooohhh ooohhohh
Ipanalo ang pamilyang pilipino

kahapon ay hugot ng lakas
mata’t tenga na bukas
Karapatan mo ang armas
Paghihirap sana magwakas

sa hindi magnanakaw
Sa hindi corrupt
Boses namin mangingibabaw
Tuloy ang aming pangarap
Sa di nagbubulsa
Sa ‘di nagpapasikat
Patuloy kaming umaasa
Sa pagbabagong nararapat
Pagmamahal sa kapwa
Respeto sa iba
Isang bubong, walang pader
Nagkakaisang pamilya
Dagat man ang pagitan
Iba’t ibang pinanggalingan
Iisang bansa sa isip salita’t gawa

at hindi ipananakaw
Bagong araw yayakapin
Walang makasasapaw
Sa lakas ng boses natin
Ngayong araw maririnig
Hiyaw ng pagbabago
Sa silaw ng ating tindig
Dilim ay magtatago

Koro:
Ooohhh ooohhohh
Sabay tayong maghahangad
Ooohhh ooohhohh
Sabay nating titiyakin

Ipanalo ang (eey)
Ipanalo ang (eey)
Ipanalo ang pamilyang Pilipino (2x)
Ooohhh ooohhohh
Ipanalo ang pamilyang pilipino