Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (91 votes, average: 4.77 stars)
Loading ... Loading ...



Lyrics of Gayuma – Abra

[Verse 1:]
Harana para sa dalaga
Na kung di dahil sa pag-ibig ay tinalikuran ko na sana
Dalaga na balak makasama
Mula sa simula hanggang sa magsipagtunugan yung kampana
Makasama ka na para bang tadhana
At kamatayan lamang ang nag-iisang pintuan kung wala ka
Ang tadhana sadyang kahanga-hanga
Ibang mga babae sa mundo kinalimutan ko na para
Masabi lang sayo na tapos na ang panggiginaw
Ng puso kong naghihikahos pagkat naliligaw
Ngayon paos na paos na sa kasisigaw
Ng iyong pangalang laos na sa kalilitaw
Ngunit bakit parang maraming nakatitig satin
At parang hindi sila sang-ayon sa pag-ibig natin
Mahal kita kahit may pagka-alanganin
Pagka’t satin mas mukha ka pang lalaki kesa sakin

[Chorus:]
Hindi ko maipaliwanag
(Hindi ko maipaliwanag ang lahat)
Kung ba’t marahil ikaw ang laging hinahanap
(Ikaw ang laging hinahanap sa pagkat)
Paggising ko ikaw ang nasa isip
Ka-date kita hanggang sa panaginip
Kasi ikaw ang iniibig ko
(Ikaw lang at wala nang iba)

Ngunit hindi ko maipaliwanag
(Hindi ko maipaliwanag ang lahat)
Kung ba’t marahil ikaw ang laging hinahanap
(Ikaw ang laging hinahanap sa pagkat)
Paggising ko ikaw ang nasa isip
Ka-date kita hanggang sa panaginip
Kasi ikaw ang iniibig ko

[Verser 2:]
Ang buhay parang dagat, na kung saan lahat tayo nagtipon
Sa dami ng isda nakabingwit ako ng hipon
Hindi ka lang maganda pag-hindi nakatalikod
Parang ipot ka ng ibon magpakipot
Hindi kanais-nais pero hulog ka ng langit
Nakakaadik kahit puro kuto ka sa anit
Kalait-lait pero kahit ubod ka ng pangit
Sakin maskaakit-akit ka pa pagnatuto kang mag-ahit
Hindi ka man napiling ikaw lang ang kapiling ko
Kahit hindi pilitin, ikaw ang pipiliin ko
Para kang Rebisco ang sarap ng feeling ko
Ikaw ang namimiss ko, mismo
At kung kasama ka, parang naglakad ng aso, kaso di eh
Paggalit si Son Goku parang kamukha mo babe
Pero ika’y bituin kapag sa langit nakadungaw
Kahit parang in between ka ng babae at bakulaw

[Chorus:]
Hindi ko maipaliwanag
(Hindi ko maipaliwanag ang lahat)
Kung ba’t marahil ikaw ang laging hinahanap
(Ikaw ang laging hinahanap sa pagkat)
Paggising ko ikaw ang nasa isip
Hiling kita hanggang sa panaginip
Kasi ikaw ang iniibig ko
(Ikaw lang at wala nang iba)

Ngunit hindi ko maipaliwanag
(Hindi ko maipaliwanag ang lahat)
Kung ba’t marahil ikaw ang laging hinahanap
(Ikaw ang laging hinahanap sa pagkat)
Paggising ko ikaw ang nasa isip
Ka-date kita hanggang sa panaginip
Kasi ikaw ang iniibig ko

[Verse 3:]
Isang araw dumalaw, sakin ang aking dating kasintahan
Ang sabi nya “Uy! Meron akong nabalitaan”
Nang ikwento nya ako’y napaisip
Sabay napatahimik nang sinabing “Hindi yan tunay na pag-ibig!”
Ilang araw hinanap bago makita ang sagot
Kung tama ang hinala, ito’y mabisa na gamot
At nang aking inumin saka ko lang naunawaan
Gayuma nga! Lang hiya! Ako’y naloko lamang!
Nilinlang, dinaya, at inuto ng matindi
Ngayon ay pili ko na kung sinong kupal sa hindi
Ito ay pelikula na binuo patabinge
Isa kang malaking libag na tinubuan ng pisnge!
Alam mo? Mukha kang tuhod na may bukol, na may sugat, na may nana!
Ikaw ang dahilan kung ba’t nasulat ‘tong harana
Para sa dalaga na kung di dahil sa gayuma ay pinaliguan ko ng bala

[Chorus:]
Hindi ko maipaliwanag
(Hindi ko maipaliwanag)
Kung ba’t marahil ikaw ang laging hinahanap
(Ikaw ang laging hinahanap sa pagkat)
Paggising ko ikaw ang nasa isip
(Badtrip!)
Hiling kita hanggang sa panaginip
(Ang pangit mo talaga!)
Kasi ikaw ang iniibig ko
(Ikaw lang at wa… ah… teka.. teka.. teka.. teka..)

Ngunit hindi ko maipaliwanag
(Pero ngayon ay maliwanag na lahat)
Kung ba’t marahil ikaw ang laging hinahanap
(Di ako makapaniwala sa pagkat)
Paggising ikaw ang nasa isip
(Kalokohan)
Ka-date kita hanggang sa panaginip
(Hay nako…)
Kasi ikaw ang iniibig ko

Syempre yan ay dahil sa gaga-GAYUMA
Gaga-GAYUMA
Dahil sa Gaga-GAYUMA
Gaga-GAYUMA
Dahil sa Gaga-GAYUMA
Gaga-GAYUMA
Dahil sa Gaga-GAYUMA
Gaga-GAYUMA