Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (5 votes, average: 3.60 stars)
Loading...

Sukli – Abaddon , Huddasss Ft. Vlync Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Sukli – Abaddon , Huddasss Ft. Vlync

pagkatapos ng mahabang panahon ng pag-aaral
at pagtitiyaga iwasan ang lahat ng mga bawal
natupad ko na ang pangarap sakin ni ama’t ina
hawak ko na ang diplomang tanging mapapamana nila sakin
ilan taong ginapang para lang matustusan sa kabila ng kahirapan
gumawa ng paraan para sa kinabukasang masagana
at sa buhay na maayos kapag sila’y wala na
ngayon makikipagsapalaran sa ibang bayan
dala ang lahat ng tinuturing kong katibayan
mawalay man sa magulang ay kaya kong paglabanan
ako ay magsisikap mga payo niyo’y panghahawakan
di ko man makita ang mga saya niyo at tawanan
basta’t pagsibol ng umaga ay mayron kayong agahan
hanggang pang hapunan at pagsapit ng gabi’y
mahimbing ang iyong pagtulog kahit wala ko sa inyong tabi

Chorus:
dugo at pawis kanilang binigay
handog nilang magandang buhay ng ika’y
nagsisimula pa kang na magbuo ng mga mumunting pangarap
lagi silang nandiyan sa tabi mo
ngayon pasan pasan ko na ang tagumpay
panahon na sigurong ibigay oh gumanti
pagsilbihan sila naman ang iyong sukilan

may pag-asa ka pa ba yan ang tumatak saking isipan
madalas na sambitin pag ako’y pinagalitan
palagian ang pagdalaw sasagi sa alaala
sapagkat yan ang rason bakit ko pinagsumikapang
mabuhay ng masagana hanggang sa matamasa
lahat ng pinangarap ko nung ako ay bata
ano man aking naiisin dudukot lang sa bulsa
nagaganap na yung dati rati’y laro namin ni kuya
masaya mag-isa, kahit na malayo sa kanila
kung tumutulo man ang luha ko’y dahil natutuwa ako
sa kinahantungan ng kapalaran at nagbunga
ang pinaghirapang itaguyod sakin ni ama’t ina
mulat ako sa hirap kaya’t ngangarap
baguhin ang ikot ng mundo para matamasa
ang buhay na sa pelikula ko lang napagmasdan
pinatunayan kong dahil sa paghihirap ko’y makakamtan

Chorus:
dugo at pawis kanilang binigay
handog nilang magandang buhay ng ika’y
nagsisimula pa kang na magbuo ng mga mumunting pangarap
lagi silang nandiyan sa tabi mo
ngayon pasan pasan ko na ang tagumpay
panahon na sigurong ibigay oh gumanti
pagsilbihan sila naman ang iyong sukilan

anak:
paglaki ko po bibili ko po kayong bahay at lupa
masasarap na pagkain at saka maraming sasakyan

tanging inspirasyon ang mga larawan niyong sa dingding nakalapat
at pag labis ang pagod ay madalas kong hawak hawakan
mga boses niyong paminsan-minsan lamang marinig
lubos ang kagalakan kahit ang luha’y nangingilid
tapos na ang laro’t panahon ng kakulitan
heto ako nagsisikap para kayo’s masuklian
salamat sa lahat ng hirap na inyong napagtiisan
kaya ngayon kayo naman ang aking pasisilbihan

balang araw ay magsasama
balang araw ay makikita ko na rin na masaya’t maririnig ang mga tawa
balang araw ay mararamdaman ang higpit ng yakap
maglalapat ang palad ko sa kamay niyo’t magkahawak nating
haharapin ng nakangiti sama samang daramahin ang ginhawa at ang suklli
kalimutan ang lungkot at kahirapan ng nakaraan
ang sakripisyong binigay natin itong kabayaran

Chorus:
dugo at pawis kanilang binigay
handog nilang magandang buhay ng ika’y
nagsisimula pa kang na magbuo ng mga mumunting pangarap
lagi silang nandiyan sa tabi mo
ngayon pasan pasan ko na ang tagumpay
panahon na sigurong ibigay oh gumanti
pagsilbihan sila naman ang iyong sukilan

dugo at pawis kanilang binigay
handog nilang magandang buhay ng ika’y
nagsisimula pa kang na magbuo ng mga mumunting pangarap
lagi silang nandiyan sa tabi mo
ngayon pasan pasan ko na ang tagumpay
panahon na sigurong ibigay oh gumanti
pagsilbihan sila naman ang iyong sukilan