Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (38 votes, average: 4.37 stars)
Loading...

Pagsuyo – Abaddon Ft Juanthugs and Harmony Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Pagsuyo – Abaddon Ft Juanthugs and Harmony

First Verse:

Makinig ka sakin sandali
Ng malaman mo kung anong,
Nais sabihin, gusto kitang ligawan
Kaso di ko alam kung pano uumpisahan,
Kasi baka naman ako mapahiya pag minadali,
ang mga balak kong pambobola sayo baka lang masawi,
handa na ang banda,
Sa may bandang bintana,
kahit walang gitara
Tuloy sa pagharana, ako ay bibirit, walang sisingit
habang hawak ko ay mikropono
kung di mo ko marinig at di ka bumilib
Iangat mo ang telepono, Ako’y nasa linya makinig ka sakin
Bago ibaba nais magpakilala ako pala si “Abaddon”
Isang tunay na pinagpala dahil,
Nakita ko na, ang sagot saking mga katanungan
Higit pa sa di’ ko batid ang ‘yong
Taglay na kagandahan para bang, Isang Diwata
Ikaw ang kulang saking talata
Ikaw ang salita na di’ ko matipa
Sa bawat tugma ng kabanat,
Animo ay anghel isa kang liwanag
Sa landas na madilim
Iyong binalik sa may pastulan
Ang naligaw na Tupang Itim,

Chorus:

Pagkat ikaw, walang iba
Ang siyang nagbibigay,
Sa aking nang sigla
At kahit na alam ko na,
Para kang langit di’ ko maisip
Kung sa panong paraan
Malalapitan ng mapadama
Ang pagmamahal kong ito,
Sana’y malaman mo malaman mo
Pagsuyo kong ito ay totoo,

2nd Verse:

Aabutin kita langit at lupa
Man ating pagitan
Gagawan ng liham kahit
Sulat ko’y may kapangitan,
Ang pag ibig ko’y ihahatid
Sayo parang balita
Sana’y makarating
Mapansin at iyong makita,
Isipin mo man na ako ay mambobola
Mundo natin ay gawing makulay
Na parang krayola,
Iwan na ang lahat
Sa puso mo ako ang nauna
Ang buong pagkatao
At puso ko’y sayong sayo na,
Kaya’t tayo na sa inyong bahay
Ako ay aakyat ng ligaw
Alam kong batid mo na
Pero ang gusto ko’y malinaw,
Gusto ko ay legal
Di sa kanto tayo magkikita
Kung sa tingin mo ay masama
Ang intensyon ko mali ka,
Malinis ang aking hangarin
Parang sariwang hangin
Kung ako ay papalarin
Na ika’y mapasa akin ay,
Lahat ng ‘yong magustuhan
Ay aking sasakyan
Walang daing na maririnig
Hinding hindi ka masasaktan,

Repeat Chorus:

Pagkat ikaw, walang iba
Ang siyang nagbibigay,
Sa aking nang sigla
At kahit na alam ko na,
Para kang langit di’ ko maisip
Kung sa panong paraan
Malalapitan ng mapadama
Ang pagmamahal kong ito,
Sana’y malaman mo malaman mo
Pagsuyo kong ito ay totoo,

3rd Verse:

Ang pag ibig kong ito’y
Di’ mapaliwanag ng mga letra
Tayo ay tinadhana
Parang si Adan at Eba,
Ang sayang nadarama’y
Walang katumbas na eksena
Mahal mo rin ako kelan
Kaya maririnig ng tenga,
Sagutin mo sana ng “OO” at di iling
Bago pa ko kiligin
Pagbigyan mong aking hiling,
Pwede ko bang mahawakan ang
Iyong kamay isuot mo ang sing sing
Na sin nipis man ng ting ting
Pero sa gitna ay merong bling,
Alay ko sayo
Tanda ng pagmamahal
Ikaw ang aking lakas
Sayo lang magpapakasal,
Kung hindi rin lang ikaw
Ayoko nang umibig pa
Ikaw ang nais makapareha
Habang Humihinga,
Paalam na di’ na kita kukulitan pa
Sa harap ng inyong tindahan
Di na kita kakausapin
Pag tayo’y nasa tambayan,
Di’ na kita muling titingnan
Di’ naman kita kasintahan
Gusto ko kasal agad
Kita na lang tayo sa simbahan,

Repeat Chorus:

Pagkat ikaw, walang iba
Ang siyang nagbibigay,
Sa aking nang sigla
At kahit na alam ko na,
Para kang langit di’ ko maisip
Kung sa panong paraan
Malalapitan ng mapadama
Ang pagmamahal kong ito,
Sana’y malaman mo malaman mo
Pagsuyo kong ito ay totoo,

Oh Ohhhhh 8x

Repeat Chorus:

Pagkat ikaw, walang iba
Ang siyang nagbibigay,
Sa aking nang sigla
At kahit na alam ko na,
Para kang langit di’ ko maisip
Kung sa panong paraan
Malalapitan ng mapadama
Ang pagmamahal kong ito,
Sana’y malaman mo malaman mo
Pagsuyo kong ito ay totoo,

Oh Ohhhhh 4x

-END-

Submitted by: Jasper Andre Mabilangan