Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 1.00 stars)
Loading...

May Hangganan – Abaddon Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of May Hangganan – Abaddon

(3rd Floor Man)
Ayukong marinig ang iyung mga sinasabi na
Lumalabas pa mismo sa iyong mga labi na
Ayaw mo na sakin at sawa kana saking piling
Kaya agad-agarang isinuli binigay ko na singsing na
Sumisimbulo sating pagmamahalan
Na may sumpa na tayung dalaway walang hangganan magmamahalan
Ngunit ngayun ay nasan Ibinaon sa limut at akoy kinalimutan
Sinunug ang larawan pagkat ayaw maalala
Ang tulad ko nagmahal ng tapat di na ba kinikilala
Bilang isang lalake na nagpatibok minsan ng puso mo
Kaso di ka nakuntento kaya na lang iniwan mo
Ganun na lang bang kadali pagkatapos ng lahat lahat
Iniwan mo ako na pasan ang mundong kay bigat-bigat
Kalat-kalat ang mga luha sa sama ng loob
ang akala ko magbabangon sakin siya pla ang magpapataob

Chorus:
Meron palang hangganan
Ang pagmamahal mo sa akin
Kaya ngayun di ko na magawang
Hagkan at yakapin
Doon na lang ba matatapos ang lahat
Wala na ba ibang paraan para ako ay balikan
Di mo na nga ba bibigayan ng halaga
Kaya ngayun iniwan mong nag-iisa

Sabihin mong nagbibiro ka lng
Mga sinasabi mo walang katotohanan
Bakit meron nga ba talagang hangganan
Ang pagibig natin na pinunuan ng
Pangarap sa isat-isa
Ngunit bakit ang batas natoy ginawa
Lumayu kana
Diko akalain na sa piling ay bigla kang mawawala
Anu ba talaga ang tunay na dahilan ng
Ang pagsuko dahil sa pagsubok
Ang pag-ibig mong mataas na
ay bigla ka na lng bubulusok pababa
At sumama kana sa iba
tapos ngayun gulong gulo anu pa ba
Na nakita kitang may kasamang iba
“Teka lang bakit cnu ka ba?”
Tanong ko lang sayu bakit nagkaganito
Hinde ito ang kalagayan na pinapangarap ko
Sana panaginip lang ang mga ito
Pwede ba sanay mahal ay gisingin mo
Dahil ayuko talaga mangyari to
Pwede ba tulungan mo dahil akoy litung lito
at ayukong isipin na may hangganan
ang minsang pagibig na inalay mo mahal ko

Chorus:
Meron palang hangganan
Ang pagmamahal mo sa akin
Kaya ngayun di ko na magawang
Hagkan at yakapin
Doon na lang ba matatapos ang lahat
Wala na ba ibang paraan para ako ay balikan
Di mo na nga ba bibigayan ng halaga
Kaya ngayun iniwan mong nag-iisa

Hinde ko na dapat ginawa
ang ibigin ka at mahalin
Ilang sandali nawala na ang lahat
Ang mga pinapangako at pagtingin
patikim lang pala ang mga sandali
makasama kita at hinde nagtagal
hawak kamay na kayakap kita
at humahalik pa sayu ng matagal
hanggang sa makita kita may kasamang iba
hinde na mababalikan
Ang dating pag-iibigan tumabang dahil akoy iyung iniwan
Ginagabayan ako ng diyos sa tuwing maalala kita
Gusto ko magwala,gusto ko mamaril
Dahil sa akin ay wala kna
Di pa tapos ang lahat ng ito
kaya nararamdaman ko pa ito ngayun
ang iwanan mo ako at tuluyang ibaon
Pumatak sa mata ang luha di ko na kayang pigilin
sinasabi ang mga katagang
“mahal kita,akoy balikan”

Repeat Chorus:

(Inozent One)
Nagsumpaan tayu na
Hanggang sa huling hininga di iiwanan ang isa
Pero ngayun nasaan kana
Di ko akalain na itutuldok ang pagmamahal
Diba sinunod naman at ginawa ko ang mga kautusan
Pero baliwala lahat yun kasi naman
Di maintindihan ang kalagayan ko
Pero bago pa naman sinabi ko sayu
Na unawain mo ang isang tulad ko
Kung panahon ko sa iyo at di ko mapuno at
Di mo na ba bibigyan ng ikalawang pagkakataon
Iiwan mo nalang ba ang tulad ko at tuluyang ibabaon
Ngayun ay nasaan ka man sana naman itoy marinig
Awit ng isang makata na sinawi ng iyong pag-ibig
Relasyong inaakala tatagal ng habang buhay
Ngunit pagsama sa iba
Ang siya na rin nagpatunay na

Chorus:
Meron palang hangganan
Ang pagmamahal mo sa akin
Kaya ngayun di ko na magawang
Hagkan at yakapin
Doon na lang ba matatapos ang lahat
Wala na ba ibang paraan para ako ay balikan
Di mo na nga ba bibigayan ng halaga
Kaya ngayun iniwan mong nag-iisa

Bawat sandali lagi na lang nagtataka
Kung bakit ba ganito ang inabot nating dalawa
Sa pagdarasal hinihiling sa may kapal sana magtagal
Anung magagawa kung ito talaga
Ang ninanais nating magaganap
Wala na akong ikabibigla kung mawala man sakin
Ang lahat nang pinaghirapan nating dalawa san ba mapupunta
Ito ba ang kapalit bakit napakasakit
Dinaig ko pa ang sinumpa
Hawakan mo aking kamay
Balikan natin ang nakaraan na para ba
na tayoy lumilipad sa ulap
Ngayoy malabo na di na pwede maganap
Di na kita makakausap,Mahal!
Bakit mo ba nagawang baliwalain
Ang relasyon na pinagtibay ng mahabang panahon
Sapat na ba ang dahilan
Cge sabihin mo sakin
Anu ba ang kasalanan bakit nagkaganun
Akala mo ba kaya mo,na mawala ako sa iyung tabi
Mga sinabi ko di mo nagawang sundin
Bagkos ikay nagmalaki
Di mo man lang pinakinggan ang mga salita
Di ka ba nabigla,nawalan ng sigla
Ngayoy nagising sa di ko maipinta
Di ko na magawa na mahalin ka
Lagi parin gumugulo sa isipan ko ang pangalan mo
Anu man ang gawin
Sa tuwing kasama ko ang aking mga kaibigan
Lagi na lang umuuwing lasing
Ganito man ang inabot nating dalawa
Hinde parin kita kayang ipagpalit sa iba
Tandaan mo ikay mahal parin
At napatawad na kita