Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (5 votes, average: 4.20 stars)
Loading...

Kapitan Abaddon – Abaddon Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Kapitan Abaddon – Abaddon

Minsan sa kaharian na kung tawagin ay Malabon
Ay may istoryang nakatakda ng maganap
Hahahahahaha

Merong isang matandang ulupong
Na lulan ng lumulutang na bubong
Ang mga mata niya ay parang utong
At taglay niya ang kilay na magkarugtong
Meron siyang tungkod na palitong tutong
Nung minsan kami ay magkasalubong
Sa akin ay pasigaw siyang bumulong

Katumbas mo ay walong dragon
Madaming leon at malaking pagong
Bigla ka na lang lalakas pagkatapos mong tupdin ang mga takdang orasyon
Isang simpleng talon na susundan ng kaliwa’t kanang lingon
At magkakaro’n ka ng gintong pantalon pagkasigaw mo ng

Kapitan Abaddon
(2x)
Kapitan Abaddon
Ako si (3x)
Kapitan Abaddon
Ako (2x) Ako si
Kapitan Abaddon
Ako si (3x)
Kapitan Abaddon

Ako daw ang siyang inaantay
Na tagapagmana’t tagabantay
Ng alamat na espada ng panday
Ang matagal na din na inaantay
Ng tatlong daang maton upang ng sa ganon
Ang mga paa ko’y magpantay
Awhooo (3x)
Yan ang kanilang tanda
Isang malaking banta
Kaya ako’y mabilis naghanda
Sabay sabay sila sa akin umatake
Habang kamay ko’y panay ang pagkarate
Lahat katay sakin walang hindi namate
Mga patay ay nagkalat na sa kalye
Akala ko ang laban ay tapos na
Nagkamali pala ako ng husga
Kasi naman lahat sakin ay lamog na
Tumayo ang boss nila tapos sa harap ko ay pumunta
At ako ay kinilabutan sa haplos niya
Antimano ang balat ko ay natusta

Ako ay nagulat walang natugon
Di ako matatalo akala ko no’n
Ngunit ako ay kanyang buong nilulon
At habang ako ay lutang ay biglang kuminang ang bubong
Na lulan ang ‘sang matandang ulupong
Bigla kong naalala ang kanyang bulong

Katumbas mo ay walong dragon
Madaming leon at malaking pagong
Bigla ka na lang lalakas pagkatapos mong tupdin ang mga takdang orasyon
Isang simpleng talon na susundan ng kaliwa’t kanang lingon
At magkakaro’n ka ng gintong pantalon pagkasigaw mo ng

Kapitan Abaddon
(2x)
Kapitan Abaddon
Ako si (3x)
Kapitan Abaddon
Ako (2x) Ako si
Kapitan Abaddon
Ako si (3x)
Kapitan Abaddon

Yumanig bumuka ang lupa
Lumabas ang berdeng tutang
Lumulutang at may durang parang asidong suka
Sumunod ang itim na pusang lamanlupa
Lumulutang din at merong ugali na magaspang at balahura
Sila’y pumwesto sa kaliwa’t kanan ko
Biglang sabay sila na nagtawanan
At napaatras ng konti ang kalaban
Sumugod sa akin ang boss na mayabang
Akala ko ay takot siyang malawayan
Pero sa amin siya’y nakipagsabayan
Nilabas nya ang sandamakmak
Mga dinasalang patalim panaksak
Unti-unting nagiging higante habang malakas humahagakgak
Ang pawis ko’y tumatagaktak takot na takot pumapalakpak
Naaamoy ko na ang katapusan biglang sa lapag kami’y bumagsak

Sa pangalawa na pagkakataon ay walang nagawa ang mistulang dragon
Ang isipan ko ay napuno ng tanong
Anong nangyare? (2x)
Bakit natalo ko bakit ganun?
Sinungaling ba ang matandang ulupong ha?
Totoo pa ba ang kanyang bulong na

Katumbas mo ay walong dragon
Madaming leon at malaking pagong
Bigla ka na lang lalakas pagkatapos mong tupdin ang mga takdang orasyon
Isang simpleng talon na susundan ng kaliwa’t kanang lingon
At magkakaro’n ka ng gintong pantalon pagkasigaw mo ng

Kapitan Abaddon
(2x)
Kapitan Abaddon
Ako si (3x)
Kapitan Abaddon
Ako (2x) Ako si
Kapitan Abaddon
Ako si (3x)
Kapitan Abaddon

Merong halimaw saking harapan at ako ay pinagtatawanan
Habang nakatitig sa kawalan
Di ko mapigilan ang galit
Dumaloy ang init na parang apoy sa kalan
Biglang dumilaw ang aking buhok
At lumiwanag ang aking katawan
Ako ay naging super saiyan
Sobrang tapang sumugod agad sa kalaban
Di ko na sya binigyan ng pagkakataon na makabunot
Ang malapad niyang dibdib ay mabilis kong natarakan
At bago matuluyan ako daw ay kanyang hinangaan
Ang mamatay daw sa aking kamay ay ituturing niya na isang karangalan
Isang nilalang ang siyang nabuhay at walang dudang nagpatunay
Walang katulad siya ay mahusay
Karapat dapat na tagapagmana ng espada’t handang ibuwis ang buhay
At ang sino mang magtangkang umagaw ay ihahatid niya agad sa hukay
Nagpaalam na ang matandang ulupong
At meron siyang mensahe na iniwan sakin
At gusto niyang sa isip ko’y ikulong
Making ka sa kapangyariha’y huwag kang malulong
Kung gusto mong maging Kapitan Abaddon
Isisigaw mo lang ang aking bulong

Katumbas mo ay walong dragon
Madaming leon at malaking pagong
Ako ay biglang lalakas pagkatapos mong tupdin ang mga takdang orasyon
Isang simpleng talon na susundan ng kaliwa’t kanang lingon
At magkakasaplot ng gintong pantalon pagkasigaw mo ng

Kapitan Abaddon
(2x)
Kapitan Abaddon
Ako si (3x)
Kapitan Abaddon
Ako (2x) Ako si
Kapitan Abaddon
Ako si (3x)
Kapitan Abaddon