Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (37 votes, average: 4.84 stars)
Loading ... Loading ...



Lyrics of Isang Buhay – Abaddon

1st verse:
Sa bawat buhay ng tao’y merong pag ibig na nakahimlay
At ang tanging dapat mo lang gawin sa akin sumabay,
Halika na’t gisingin natin ang tulog mo’ng diwa
Ibaba mo ang armas at sandatang nakakahiwa,
Sa pag kakataong ito hari aking opinyon
Layunin ko’y mag kaisa lahat ng relihiyon,
Bilyon ang tao sa mundo kung ating tutuusin
Bawat tao ay may buhay na pwede ring tubusin,
Nang Diyos, ano mang oras handa man o hindi
Madadaig mo ba si Kristo sa kanyang pagtitimpi?,
Habang pasan ang Krus at ipinakong walang laban
Mahal ka ng Diyos hindi mo lang to nalalaman,
Minsan sa ating buhay merong suliranin
At hindi mo matanto kung sasapat ka ba o kukulangin,
Basta’t mahalaga merong isang pag ibig
Umaasang may gabay na nandiyan lang sating paligid,
Dahil tayo’y may
Chorus:
Sang buhay na may pag ibig
Yan ang kaylangan ko,
Kaylangan mo, at nang buong mundo
2nd verse:
Ako’y nabuhay sa mundong hindi inabot ang ama
At inasa ang lahat saking nag iisang ina,
Ang mayakap siya’t pasalamatan gusto ko pa sana
Nang hindi hinahangad saki’y nakalaang pamana,
Ngunit ako ay naligaw kayhaba na ng sungay
Sa tuwing kakausapin niya ko mata ko’y mapungay,
Pinili kong daan iba sa karaniwang bata
Impyernong itinuring, nas matindi pa ata,
Ang mapayapa at pangakong paraiso
Ay di mo makakamtan kung nasa bulsa mo ay piso,
Limutin na lang ano man ang maibigan
Kung wala kang pera walang tapat na kaibigan,
Masaklap man ang inabot ko katulad ba sayo
Istorya ko’t maging sayo’y hindi naman nagkalayo,
Siguro nga pareho lang tayo ng naranasan
Tuloy parin ang luha ilang beses mang punasan,
Dahil meron kang
(Repeat chorus:
3rd verse:
Dumalaw sa mga kaybigan para matulungan
Sila na maibsan ang kalungkutan sa kulungan,
Yan ang aking gawain dati kung alam niyo
Sa piling ng mga kasama kong nakabilanggo,
Sa mga kasama kong nasa laya na may atraso
Lihim na kung mamuhay at binilang na retaso,
At isang pilas ng papel na nilamukos
Kasalanan ba nila kung ang galit biglang mabuhos,
At bakit ganun pag sinabing Muslim ay matapang
Pag sinabing taga Capiz mangkukulam mambabarang,
Pag sinabing Waray walang awa kung pumatay
At pag sinabing pilipino alipin habang buhay,
Ako ay pilipino isa rin sa kinakapos
Tanong ko lang sino ba yung tinatawag nilang Diyos,
Siya ba yung nakasama mo sa madilim na eskinita
At inakay ka sa may liwanag kahit di mo siya nakita
(Repeat chorus)