Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (4 votes, average: 4.50 stars)
Loading...

Ikaw Ay Akin Ft. Janine Pooner – Abaddon Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Ikaw Ay Akin Ft. Janine Pooner – Abaddon

1st verse:
Ikaw ang aking dahilan kung bakit may ngiti saking labi
Tuwing umaga pagkagising makapiling ka ang tanging hiling,
At sa pagbangon ko, ikaw ang lakas na taglay
Alay ko sayo ang pag ibig na walang antas na kapantay,
Sayong mga tingin natutunaw ang puso kong bato
Dahil sayo wala nang saysay ang damo,
Alam mong lumilipad na naman ang isip ko
Kapag kasama ka ano mang pilit na pigil ko lakas tama talaga,
Isa ka sa pinaka importanteng babae
Sa buhay ko nilabas mo ang tunay na kulay,
Nang isang batang mahusay na manuwag gamit ang sungay
Ang pag asang may pag babago ikaw ang nagpatunay,
Ikaw ang tipo kong babae
Malakas ang dating mahinhin at medyo may pagka salbahe,
Wala nang hahanapin pa
Salamat ang tangi kong masasambit dahil ikaw ay napasakin na,

Chorus:
Ikaw ay akin at ako’y sayo
Tayong dalawa ang pinag tagpo ng diyos ama
Ikaw ay akin lamang at wala nang ibang aangkin sayo
Isa kang anghel na nagkatawang tao
Upang mapasakin at para ibigin ko

2nd verse:
Sa ikalawang pagkakataon, muling nagkaron
Nang kinabukasan ang nasayang kong kahapon,
Nang una kang makita pakiramdam ko’y
Hindi ko mawari kumislap aking mga mata’t
Bumilis ang tibok ng puso dahil,
Naguluhan ang isip ko
Higit ka pa sa obra maestrang naisulat ng mang aawit na katulad ko,
Ikaw ang pinaka magandang musikang naisalin sa papel ng diyos
At inawit ng mga sagradong anghel sa langit,
Ang pag ibig nga naman kaygaan
Parang lumulutang ka sa kawalan,
At sayo lang ako handang magpakasal
Kung nasakamay mo ang batas handa akong magpasakal,
Tinanggap mo ang lahat ng sakin kahit na alanganin
Pag may suliranin ay agad inaayos natin,
Mga oras at sakripisyo’y di ko sasayangin
Sabay nating abutin mga pangarap at panalangin,

Chorus:
Ikaw ay akin at ako’y sayo
Tayong dalawa ang pinag tagpo ng diyos ama
Ikaw ay akin lamang at wala nang ibang aangkin sayo
Isa kang anghel na nagkatawang tao
Upang mapasakin at para ibigin ko

3rd verse:
Oo tinanggap ko ng ikaw ang kahinaan ko,
Ngunit ikaw ang bumubuo sa bawat piraso ng katibayan ko,
Simula ng ako ay matutong magmahal
Ngayon lang ako humiling na sana magtagal,
Yung tipong sana ay ikaw na nga hanggang pagtanda
Sa kontrata ni kupido sabay tayong lalagda,
Susumpang walang iwanan sa hirap man o kasaganaan
Ako ang kasama mo sa lungkot man o kaligayahan,
Handa kong isigaw na ikaw ang ilaw
Nung ako ay naligaw,
Init kita sa ginaw, hindi ako bibitaw
Tinatanaw kong utang na loob ang dulot mo sa akin ay ginhawa,
Salamat at ikaw ay aking nakilala
Sa piling mo lahat ng mali’y nagiging tama,
Wala nang hahanapin pa, tandaan mong akin ka
Sa puso nang isa’t isa ay tayo ang nakapirma,

Chorus:
Ikaw ay akin at ako’y sayo
Tayong dalawa ang pinag tagpo ng diyos ama
Ikaw ay akin lamang at wala nang ibang aangkin sayo
Isa kang anghel na nagkatawang tao
Upang mapasakin at para ibigin ko