Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (11 votes, average: 4.18 stars)
Loading...

Ganyan Talaga Ft. Vlync – Abaddon Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Ganyan Talaga Ft. Vlync – Abaddon

1st verse:

Sawang sawa ka na ba, sa araw araw na nangyayare?
badtrip palage’t walang chickas na madale,
mamanis manis na sardinas sa kawale
laging ulam sa tanghaling madalas pang may kahate,
hay ang buhay nga naman
hulog sa hukay pag ‘la kang husay at sungay na halang,
ayos lang naman kung minsan susunod ka lang
pero dapat mas madalas ikaw ay nakikialam,
kung gusto mong magkatropa wag kang masyadong mayabang
magtiyaga ka lang kung di ka naging anak mayaman,
darating sa buhay mong maging tampulan ng tawanan
dahil sa mga bagay na gusto mong mapatunayan,
magtanim ka na ngayon,magtanim ng magtanim
para balang araw merong aanihin,
kelangan mong kumilos upang bukas ay merong kang kakainin,

Chorus:

Ganyan talaga ang buhay
kelangan mong kumilos,
kelangan mong masanay
ganyan talaga3x
ganyan talaga ang buhay,

2nd verse:

Kung wla kang pampagulong,magtiis sa usok
matutong tumiklop pag maiksi ang kumot,
sa panahon ngayon basura na lang ang napupulot
kaya ipunin ang bawat barya na madudukot,
Wag kang magmalinis at mainis,kung mabilis
kumalat ang mga chismis at maling storya,
kung pitaka mo ay manipis magtiis,wag ka muna sa libis
dun ka muna sa greenhills at divisoria,
minsan balanse, minsan ay alanganin
minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim,
ganyan ang buhay, dumarating talaga ang panahong
nakakasawa na at nakakaumay,
maglaslas o di kayay magbigte
magpakalasing at magpaka solve sa sinde,
kapag nakakabaliw na at nakakarinde
yan nga ba ang solusyon sa problemang matinde?,

Chorus:

Ganyan talaga ang buhay
kelangan mong kumilos,
kelangan mong masanay
ganyan talaga3x
ganyan talaga ang buhay,

3rd verse:

Tanggapin mo na lang, ang walang kwentang katotohanang
kapag wala kang pera wala kang kaibigan,
mga tropang kasama mo lang sa kasiyahan
pero di mo na maaasahan pag nagkagipitan,
palagi ka mang napapagalitan
sa bahay lagi ka na lang napag iinitan,
ikaw man o sila ang may kasalanan
sa huli magulang mo parin ang yong lalapitan,
kahit ang mga taong may kabaitan
hahanap ng patalim na pwedeng makapitan,
respeto at tiwala’y wag bigay ng madalian
dahil ang karamihan ay walang hiya sa malapitan,
ganyan na ang buhay ngayon kaibigan
higupin mo na lang parang sabaw ng papaitan,
kung ayaw mong ikilos,itulog mo na lang
magandang bukas ay baka sakaling mapanaginipan,

tanggapin mo na ang katotohanan
ganyan talaga ang buhay kaibigan,
kung ayaw mong magsikap
ay matulog ka na lang,
matulog ka na lang 3x,
ganyan talaga ang buhay,
kaylangan mong kumilos
matuto kang masanay,
eiii
Ganyan talaga (ganyan talaga)