Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (2 votes, average: 4.00 stars)
Loading...

Away Ng Away – Abaddon Ft. Curse One Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Away Ng Away – Abaddon Ft. Curse One

Ano nga ba ang ibig sabihin niyan sinta
tila walang sigla
ang itsura mo’y di’na naman maipinta
para kang panis na paninda
ang yong mukha ay mistulang
pagkaing alanganin na makain pa

nakasanayan mo na ang magtampo
at magbasag ng kung ano ano
sa harapan ko ano bang klaseng
masamang hangin na naman ang sumapi
diyan sa katawan mo kaya tayo’y
palagi na lang ganto

maliit at simpleng bagay lang
na imbis pag usapan ay kailangan
mo pa na palakihin hindi ko maunawaan
parang puro kababawan nakakasawa’t
lakas makabawas ng pagtingin

ni hindi ko na ramdam ang init
ng yong paghinga kaylamig ng yong asta
na parang meron ng iba isang gabing
matutulog akong muli ng magisa
aalis ka na naman at uuwi sa’yong ina

isang gabi na naman na di’ka katabi
alak na naman ang hawak
habang ikaw ang hanap at di’mapakali
maliit na bagay sana’y di’na dapat pag
talunan away ng away tila nasanay
kaylan ba tayo matatauhan

papalipasin pa ang gabi imbis na sana
pag usapan tayong dalawa na nga lang ang
magkasama dapat pa bang pahirapan

humahaba na ang nguso mukha kana namang
walang awa na punong guro
porket hindi ko lang nagustuhan ang iyong luto
sapat na ba yang rason para madurog ang yong puso
mga mali at maliit na dahilan
ipaglalaban mo parin hanggang di’mo ko tabihan
magpaparamdam na lang kung kaylan mo matripan
at magsosorry na lang pag gusto mo na kong balikan
puso ko na nagmistulang laruan naging sunid sunuran
at tinrato mo na talunan sa isang relasyong
nakakatakot na matuldukan dahil ang akala ko
no’n yun na rin ang katapusan
kapag galit ka ay walang makakaawat
laban ka parin kahit taas na ang puting watawat
kung sa bagay parang balewala lang na mapahamak
ang ating samahan tanggap mo ng may malaking lamat

isang gabi na naman na di’ka katabi
alak na naman ang hawak
habang ikaw ang hanap at di’mapakali
maliit na bagay sana’y di’na dapat pag
talunan away ng away tila nasanay
kaylan ba tayo matatauhan

papalipasin pa ang gabi imbis na sana
pag usapan tayong dalawa na nga lang ang
magkasama dapat pa bang pahirapan

pauli ulit na lang tayong nagtatalo
sa isang bubong na parang mga dayo
mistulang estrangherong magkasalo
sa isang plato at tuluyang nakalimot
sa lahat ng pinangako
di’pa kinakalabit pumuputok na
ganyan b atalaga ang ugali o
sinusumpong ba lumabas lang ako ng pintuan
puro katanungan na agad ang sasalubong
kahit diyan lang nagpunta
kinakain ka na ng iyong sistema mga paliwanag
ko’y di’na rinig ng iyong tenga ang dating
mapagpasensiya ay hindi ko na kilala
parang ang tingin na sakin ay lalakeng
walang kwenta dapat yata ay iwanan mo na lang
hindi yung kung kaylan magustuhan saka babalikan
pinapasok mo ko sa mundong lakas maka buang
papahirapan muna ang damdamin bago halikan

isang gabi na naman na di’ka katabi
alak na naman ang hawak
habang ikaw ang hanap at di’mapakali
maliit na bagay sana’y di’na dapat pag
talunan away ng away tila nasanay
kaylan ba tayo matatauhan

papalipasin pa ang gabi imbis na sana
pag usapan tayong dalawa na nga lang ang
magkasama dapat pa bang pahirapan