Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (4 votes, average: 4.00 stars)
Loading...

Babae Nga Naman – Aaron Misa Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Babae Nga Naman – Aaron Misa

Pare, halika dito
may sasabihin ako sa’yo
Tungkol sa mga babae,
makinig ka

I.
Babae, isang simpleng salita
na siyang magiging tema dito sa aking kanta
Ang mga babae, kapag sila’y naghihinala
ano pa nga ba? Edi kadalasan ay tama
Kakaiba ang pag-iisip ng mga ‘yan
hindi ko ba alam kung ba’t ang lakas ng pakiramdam
Yun bang tipo na kunwawi ay wala silang alam
may mga pa-inosenteng drama pa na nalalaman
Boses pa lang nakakairita na
sa tuwing sumisigaw ‘pag nakikita ang crush nila
Bawat oras at minuto ay sobrang abala
inaayos ang sarili sa pagpapaganda
Sobrang moody, napakahirap sabayan
epekto ba ng regla kaya badtrip nanaman?
Ewan ko ba kung bakit ang hirap nilang maintindihan
Hay naku! Ano pa nga ba? Babae nga naman!

Sobrang matampuhin, ‘di mo sukat-akalain
ang gusto lang pala nila ay sila ay lambingin
Sila yung tipo na gustung-gusto silang purihin
lahat ginagawa, pare ba’t ‘di mo mapansin?
Ang mga katangian ng natatanging nilalang
na taglay nila pero madalas nga lang nila-LANG
Sila yung mga taong ‘di mo dapat maliitin
at baka mawala sila, tsaka mo pa hanapin

Chorus:
Aminin mo pare na kailangan mo siya sa mundong ‘to
( Sige subukan mong mamuhay mag-isa,
tignan nga natin kung ika’y magiging masaya?! )
‘Diba’t siya rin naman ang pinagmumulan ng kaligayahan?
( Naman! Sino pa nga ba? Babae nga naman! )

Bilang isang lalaki,
alam kong nagkakamali rin ako
Pero ito lang ang aking masasabi
para sa mga kapwa kong katulad mo

II.
Ibang-iba na nga ang panahon ngayon
at ‘di ko lang alam kung ikaw ay sasang-ayon
Sa sasabihin ko tungkol sa kanila
at ‘di ko rin pipilitin na ikaw ay maniwala
Babae na ngayon ang siyang nagpapalamon
sa mga lalaking tila naanod na ng alon
Ng katamaran, naku brod ano ba yan?
Pwede bang magpakita ka ng konting kahihiyan?
Siya pa itong napapagod sa trabaho
samantalang ikaw nandiyan nakatambay lang sa kanto
Bakit ba babae na ngayon ang sumasalo
ng mga responsibilidad na dapat ay nasa iyo?
Tao lang ang mga ‘yan at nasasaktan din
siguro naman ngayon alam mo na kung ano ang gagawin
Pakitaan ng respeto at pagpapahalaga
oo tama, ‘yan nga ang kailangan nila

Wala tayong dahilan para sila’y ating saktan
isipin mo ang iyong ina, na siyang sobrang nahirapan
Sa panganganak at pag-aalaga sa iyo
hanggang sa maging handa ka nang harapin ang sarili mong mundo
O ‘diba’t babae parin ang pinakaunang taong
sumunod sa Maykapal na may pag-ibig sa iyo
Tanong ko lang. Sino ba ang hiningi ni Adan?
‘Diba si Eba? Na isang babae din naman!

Chorus:
Aminin mo pare na kailangan mo siya sa mundong ‘to
( Sige subukan mong mamuhay mag-isa,
tignan nga natin kung ika’y magiging masaya?! )
‘Diba’t siya rin naman ang pinagmumulan ng kaligayahan?
( Naman! Sino pa nga ba? Babae nga naman! )

Bridge:
Pag-ibig na lang ang ating ialay sa mga kababaihan
Sila’y biyayang bigay sa’tin mula sa Kaitaas-taasan
Sa mga babaeng aming nasaktan
aming ina, kapatid, mga dating syota, at kaibigan
Patawad at salamat po sa inyo
Para sa pagbibigay ng kulay sa’ming mundo, woah oh

Chorus:
Aminin mo pare na kailangan mo siya sa mundong ‘to
( Sige subukan mong mamuhay mag-isa,
tignan nga natin kung ika’y magiging masaya?! )
‘Diba’t siya rin naman ang pinagmumulan ng kaligayahan?
( Naman! Sino pa nga ba? Babae nga naman! )

Chorus:
Aminin mo pare na kailangan mo siya sa mundong ‘to
( Sige subukan mong mamuhay mag-isa,
tignan nga natin kung ika’y magiging masaya?! )
‘Diba’t siya rin naman ang pinagmumulan ng kaligayahan?
( Naman! Sino pa nga ba? Babae nga naman! )

Sa’yo ako’y namulat
Babae nga naman
Ika’y walang katulad
Nag-iisa ka lang!

Submitted by: Aaron Misa

Videokeman Search