Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (3 votes, average: 5.00 stars)
Loading...

Kahit Dika Naging Akin – 420 Soldierz Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Kahit Dika Naging Akin – 420 Soldierz

1st Verse:
Biniyayaan ang mata na makakita at mamulat
ngunit ako’y bulag sa totoong nakasiwalat
sa kabanatang pilit binabago ang talata
na di ka sakin at sa kanya ka itinadhana
ganto ba kasaket kalupet ang panahon
upang di ka ilapet bakit san naparoon
ating pagkakataon tila di na darating
di ka saken dadalhin idaan ko man sa hiling
Sa dasal ko kay bathala at sa dumaan na tala
tila naantala yata at hindi naalintana
ng sarili kong ako na lang pala ang umaasa
balewala na rin kase di ka matatamasa
magpakasasa man sayo na maghintay ako
ay wala rin mangyayare dahil siya ang gusto mo
at dahil mahal kita hangad ko ang sumaya ka
kahit di na para saken at sa piling ng iba

CHORUS:
Mali ng ilaan sayo, na kahit pa naisin kong mahalin
ka ay pinagkakait mo
ang mahalin kita sundin at pahalagahan ka di bale nalang
(di bale,di bale) Di bale nalang!!

2nd Verse:
Gabi-gabi sinisilayan ko ang iyong munting larawan
dama ko ang sakit na di ko gustong maranasan
pilit ko man iwasan sa ngiti ay idaan
di ko maiwasang baliktanawin ang nagdaan
kung saan imbis magalit di na lang dadamdamin
pag ika’y lalapit di ko magawang palayuin
at kung aking tatantsahin sa labis ay higit pa
sumobra sa pagmamahal sayo sakin ubos na
wala ng tinira’t itinabe para saking sarile
binigay ko ng buo wala din palang mangyayare
kung una palang sinabi mo hindi na sana para
manggugol pa ng oras at umasa sa wala na
palang patutunguhan naghintay ako sayo
na mas inintindi kita higit pa sa sarili ko
at dahil mahal kita sana’y maging masaya ka
kahit di ka napa sakin at kapiling mo na siya

CHORUS:
Mali ng ilaan sayo, na kahit pa naisin kong mahalin
ka ay pinagkakait mo
ang mahalin kita sundin at pahalagahan ka di bale nalang
(di bale,di bale) Di bale nalang!!

3rd Verse:
Di bale na ang masaktan kung sa paglayo naman
(sayo,sayo)
nanaisin na lang mag-isa kesa paasahin ang sarili
sa wala na.wala ka na!

Laman ng isip ko’y tanong kung bat nangyare masaklap
kung bakit para sakin tila ang tulad mo’y mailap
na kahit alam kong ako ang may kagagawan kung bakit
nasasaktan ako kase pilit kong pinipilit
ang sarili ko sa alanganin at sa imposible
mapa sakin ka dalangin ko nalang ay di na bale
di masisi ka kung sakin ay kumawala ka lang
at ang lahat matapos na at mawala na lang

Pero sa totoo galit ako sa mga nangyayare
At galit ako kung bat ako pa sa diname-dame
Pwedeng pagbigyang motibo na nanggaling pa sayo
Sayo di ako magalit kundi sa sarili ko
Na ang mahalin kita hindi ko magawang pigilan
Makikita mo kung titignan mo sa mata’t titigan
At kahit mahal kita hindi na para pagpilitan
Kung saan ka masaya akin ka nalang hahayaan