Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (4 votes, average: 4.50 stars)
Loading...

Huli Na (Best Man Part 2) – 420 Soldierz Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00

Lyrics of Huli Na (Best Man Part 2) – 420 Soldierz

ganito pala kasakit ang makita na
hawak ka na ng iba huli na para masabing
ako na lang sya, ako na lang sana
ang kaharap mo sa altar, sabay manumpa sa Maykapal
ngunit huli na ang nangyari,
wala ng paraan para masabing
mahal kita, mahal kita ang sabi mo na sa kanya
hanggang tingin na lang,
lubos man ang aking panghihinyang
hindi ko magawang tumalikod na lang
sa mga nakikita ko, huli na para masabi sayo

Chorus:
pinilit kong pigilan ka
baka sakaling sa oras nato ay mapagbago ko pa
ang iyong desisyon sa harap ng Poon ay mabawi kita sa kanya
ngunit huli na yata ang lahat,
sa altar pareho na kayong nagtapat
ohh mali man isipin na kung sana ako na lamang sya,
pigilan ko ma’y huli na

ganito pala kasakit ang makita ka
ni wala kong magawa di rin maka apela
di ko mapigilan dahil ito na ang takda
panahon sa inyong panunumpa
gustuhin ko mang sabihin sayo
gustuhin ko mang hilahin ka palayo sa kanya
huli na, nang maglapat ng sabay ang labi nyong dalawa
luha’y di na naitago, mga pangarap ko’y naglaho
huli nang isipin sya na lamang ako
huli na rin para masabi sayo na mahal kita
at mahal hanggang dito na lang talaga

Chorus:
pinilit kong pigilan ka
baka sakaling sa oras nato ay mapagbago ko pa
ang iyong desisyon sa harap ng Poon ay mabawi kita sa kanya
ngunit huli na yata ang lahat,
sa altar pareho na kayong nagtapat
ohh mali man isipin na kung sana ako na lamang sya,
pigilan ko ma’y huli na

ganito pala talaga kasakit na ang makita ka
ni wala kong magawa, hanggang titig na lang talaga
mga panahon at oras na pinapangarap ka parang
hindi ko namalayan, na habang inaabot kita ay hawaka ka na ng iba
ang masakit pa ya sa matalik ko na kaibigan
gusto kong sumigaw isigaw ng malakas ang pangalan mo
gusto ko ihinto, hilahin ka palayo
upang hindi na maganap ang kasalang to
ngunit sa paglingon ko
ay nakita ko ang ganda ng ngit sa mga labi mo
habang lumalakad ka ng papalapit
dama ko sumisikip na ang mundo
huli na ang lahat para maipagtapat at masabi ang aking nadarama
huli na ang lahat dahil nagtapat na kayo ng panunumpa sa harap ni Ama
huli na na magising sa katotohanan na di nga pala ako sya
huli na magkaroon pa ng lakas ng loob di na kita mabawi sa kanya
at habang tinititigan kita mag-isa di maiwasan mapayuko
kung pwede lang hindi ko na masaksihan
ito na siguro ang pinakamasakit na yugto sa aking buhay
ang ikasal ka sa iba’y napakahirap pala tanggapin
para bang bangungot na sarili ko’y nakakulong di ko magawa na magising

Chorus:
pinilit kong pigilan ka
baka sakaling sa oras nato ay mapagbago ko pa
ang iyong desisyon sa harap ng Poon ay mabawi kita sa kanya
ngunit huli na yata ang lahat,
sa altar pareho na kayong nagtapat
ohh mali man isipin na kung sana ako na lamang sya,
pigilan ko ma’y huli na

ito na ang panahon ng inyong pag-iisang dibdib
nangingilid ang mga luha at ang puso’y walang tigil ang pintig
nangangatal ang katawan ko, na para bang wala sa tindig
hindi ko matitigan ang lahat ng kaganapang nangyayari
dahil parang ang sakit sa dibdib
gusto kong mamagitan, tumutol, subalit mali
kasiyahan mong nakataya
gusto kong ipakita na kaya ko ding mahalin ka
pero pag-aari ka na iya, ngunit huli na
di ko rin nasabi ang lahat ng gusto ko sayong iparating
dahil huli na , na ipagsiksikan ang sarili sa babaeng di ko na na angkin
oo masaya ko, pero di ko maiwasan maingit sa katayuan nya
oo masaya ko, pero di ko maiwasan mag-isip na kung ako sana sya
oo masaya ko, dahil nakikita ko na masaya ka na sa piling nya
pero lingid sa kaalaman mo masakit makita kayong dalawa
na habang tinititigan kita palapit hindi maiwasang mapayuko
na kung pwede lang hindi ko na masaksihan
ito na siguro ang pinakamasakit na yugto sa aking buhay
ang ikasal ka sa iba’y napakahirap pala tanggapin
tuluyang tumulo ang luha sa mata ko ng sinuotan ka na nya ng singsing