Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 5.00 stars)
Loading...

Gintong Alaala – 420 Soldierz Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00

Lyrics of Gintong Alaala – 420 Soldierz

mga pare kamusta
ano na ang balita sa inyo
taon din ang binilang bago tayo nabuong muli
sa isang mesang may nakalapag na alak
gumugol pa ng panahon para matuloy ang balak
na muling magsama-sama ang ating tropahan
na miss ang isa’t-isa at kinagawiang
kakaen, tutulog, gagala, lakwatsa
tatambay sa kanto at aabutin ng umaga
walang pinatawad pagdating sa basag ulo
minsan ding natawag na pagala ng gobyerno
shot mo na ang tagay marami tayo dyan
baka tumawag pa si misis yari tayo dyan
sayang di na tayo bata at may kanya kanya ng
pamilyang inuuna at trabaho pero ang
lahat ng ala-ala ay sa puso ko nakatatak
nagkatapuhan an minsan pero di nagwatak-watak

chorus:
sulitin natin ang mga gintong sandali
sa bawat tagay ay may storya na puno ng ngiti
hindi man tayo tulad pa nung dating gawi
salamat dahil nagkasama-sama tayong muli (oh muli)

nagsama-sama na nman ang makukulit kong kaibigan
sama-sama sa inuman, “hoy pare tagay na yan”
bawal tumakas kapatid sa atin ito
araw kung saan lahat tayo’y pinagtagpo
sulitin sana ang oras na kumpleto ang barkada
dahil sa’tin ito

lala lalala lala lalala ( sa atin ito)

chorus:
sulitin natin ang mga gintong sandali
sa bawat tagay ay may storya na puno ng ngiti
hindi man tayo tulad pa nung dating gawi
salamat dahil nagkasama-sama tayong muli (oh muli)

Kamusta na ang lagay
kayo bay nasa maayos at mabuti
na miss ko lang kase alalahanin ang nangyari
dati magkakasama sa isang tambayan kulitan at tawanan
kung minsan may iyakan na nagaganap
kung may problema’y idaan sa tagay
dito ko natutunang makisama’t makibagay
at ang away ng isa antimano’y away ng lahat
natutunan ko rin dito na sa trip ay kumagat
kung naaalala niyo pag may chix na dumaan
kanya-kanyang paangasan baby pa ang tawagan
o kaya naman ang ex ng isa’y nasulyapan
muling ibalik sabay-sabay na yang kakantahan
sayang lang at di na tayo katulad pa rin ng dati
pero salamat mga kapatid at mga pare
ang lahat ng alaala’y sa puso’y nakatatak
nagkatampuhan man minsan pero di nagwatak-watak