Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (5 votes, average: 4.40 stars)
Loading...

Paglisan – 2kiva Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Paglisan – 2kiva

Bakit ba kailangan na masaktan ang puso kong ito
Sa iyong paglisan,hapdi ang siyang naramdaman
Hindi na ba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan dahil ba sa huli na ang lahat sayo’y paalam

Sa pagkawala ng relasyon na aking iningatan na ngayon ko lang naramdaman
at aking naranasan noong umibig ng lubos at ibigay ko ang lahat
tinatanong sa’king sarili kung hindi pa ba sapat
ang lahat ng ginawa ko para lamang sa iyo
bakit kailangang mangyari pa ang mga ganito
pilit nainaalala mga bagay na nangyari sa’king puso at sa isip kalungkutan ang naghari
at naghiwalay tayo na di man lang nakapag-usap
hanggang sa huling sandali wala ng pangungusap
na lumalabas sa labi mo na gusto kong malaman kung bakit nagka-ganito
bakit mo ko iniwanan dahil ba sa sabi-sabi at mga bali-balita
di mo na ko tinanong at tuluyan kang naniwala
sinira mo ang tiwala at ako’y tinalikuran
bakit kailangan kong masaktan sa iyong paglisan

Bakit ba kailangan na masaktan ang puso kong ito
Sa iyong paglisan,hapdi ang siyang naramdaman
Hindi na ba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan dahil ba sa huli na ang lahat sayo’y paalam

Lumipas na ang panahon at mga sandaling wala ka
Di na ko umasang babalik ka pa
Pagkat wala na ngang pag-asa kahit na ako’y magsisi at lumuha
Di na mabilang ang tubig na ipinatak sa lupa
Gustuhin ko man na ibalik hindi na maaari
Pagkat sa puso mo mayron ng nag-mamay-ari
At alam ko na kayong dalawa ay nag-mamahalan
Tiniis ko ang sakit at din a kita pinigilan
ilang beses kong niloko ang sarili kong ito
Na kaya kong mabuhay kahit na wala sa piling mo
Ngunit hindi pa rin sapat ang maging manhid na lang
Upang itago ang nadarama tuluyang maibsan
Nadama ko na may kulang pa sa aking pagtayo
Yun ay di ko maabot dahil sa’yong paglayo
Alam kong di mo na pakikinggan kahit na isigaw
Walang ibang kulang sa buhay ko mahal kundi ikaw

Bakit kailangan humantong sa hiwalayan ang lahat ang nangyari sa relasyon na ni hindi ko matanggap
Hindi ako nagkamali at nagkulang sa’yo sinta ngunit
Anong isinukli iniwan mong nag-iisa

Bakit ba kailangan na masaktan ang puso kong ito
Sa iyong paglisan,hapdi ang siyang naramdaman
Hindi na ba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan dahil ba sa huli na ang lahat sayo’y paalam

Naghiwalay tayo na kapwa may samaan ng loob
At di man lang ako nakaangat sa aking paglubog
Hanggang sa huling sandali di man lang nakapagpaalam
Katagang nais sabihin di ko man lang nabitawan
Na sana’y ma-iingat ka sa lahat ng sandali
Di na ko muling hahabol at magbabakasakali
Na maibalik ang dati at makapiling sa tuwina
Ang isang katulad mo pagkat wala na ngang pag-asa
At hindi talaga tayo ang itinakda ng diyos
kaya ang pagsasama natin ay maagang nagtapos
bakit kailangan ko pang masaktan sa iyong paglisan
di ko lubos maisip ba’t ganito ang kapalaran
bago magtapos ang awit ko sana’y malamn mo na wala na kong inibig kundi ang katulad mo
ngayong tapos na ang lahat pati ang awitin kong to
salamat sapagkat nagging bahagi ka ng buhay ko

Bakit ba kailangan na masaktan ang puso kong ito
Sa iyong paglisan,hapdi ang siyang naramdaman
Hindi na ba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan dahil ba sa huli na ang lahat sayo’y paalam

Bakit ba kailangan na masaktan ang puso kong ito
Sa iyong paglisan,hapdi ang siyang naramdaman
Hindi na ba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan dahil ba sa huli na ang lahat sayo’y paalam

Videokeman Search